Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PNP, hiniling kumilos vs riding-in-tandems

Dapat paigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang kampanya laban sa mga elementong kriminal na gumagamit ng motorsiklo o riding-in-tandems para mabawasan kung hindi kayang hadlangan ang ganitong sistema ng pagpaslang.

Ayon kay Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) secretary general Rodel Pineda, panahon na para pag-isipan ng Kongreso kung paano mahahadlangan ang ganitong estilo ng krimen lalo kung totoo ang datos na noong 2013 ay lima katao ang namatay kada araw sanhi ng riding-in-tandems o 1,800 katao bawat taon.

“Tutol ang mga mambabatas na ipagbawal ang riding-in-tandems dahil labag ito sa karapatang pantao pero bakit hindi sila makaisip ng tamang solusyon para maputol na ang mga krimen ng riding-in-tandems?” ani Pineda. “Sa nangyari lang sa top race car driver ng Filipinas na si Enzo Pastor noong Huwebes, dapat mag-isip-isip na ang mga nasa Kongreso at PNP. Paano kung sila mismo ang maging biktima, saka lang sila kikilos?”

Ayon sa 4K, maganda ang panukala ni Quezon City Rep. Winston Castelo noong nakaraang Kongreso na magkakaloob ng poder sa PNP na gumamit ng estratehikong patakaran laban sa riding-in-tandem criminals pero hindi ito inaksiyonan ng mga mambabatas.

“Ni hindi pinansin ng mga mambabatas ang HB (House Bill) 5720. Hanggang ngayon, nagbubulag-bulagan sila sa katotohanan na parami nang parami ang napapatay ng riding-in-tandems sa buong bansa,” giit ni Pineda. “Kung ayaw nilang ipagbawal ang riding-in-tandems, bakit hindi nila ipanukala na obligahin paglalagay ng malaking plate number sa helmet ng mga nagmomotorsiklo?”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …