Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

JC, walang lovelife, pero may sex life (Nagpapakatotoo lang naman ako)

ni Pilar mateo

TINANONG namin si JC de Vera if he has finally found his niche sa paglipat niya sa Kapamilya na kaliwa’t kanan ang projects (as Jeff sa Moon of Desire and as Max naman sa The Legal Wife).

Ang say ng aktor, “Hindi ko pa po malalaman kung ano ang mangyayari in the future. Sa ngayon, very happy lang ako with the work being given to me. Kaya ibinubuhos ko naman po ang lahat. I have dreams. Big ones. At umaasam din ako na makapareha ko rin ang iba pang leading ladies dito. And I am willing naman to work with everyone.”

Mukha namang matutupad na maipareha si JC sa halos lahat ng leading ladies sa Kapamilya. Dahil hindi naman siya identified sa isa lang at wala nga siyang girlfriend. Pihikan daw ba ito?

“Hindi naman. It’s just that, wala sa priority ko kasi ang pumasok ngayon sa isang commitment. Kung magkakaroon man, gusto ko ‘yung hindi naman masyadong mas bata sa akin at hindi rin naman mas may edad sa akin. Hindi naman sa ayaw ko, lahat naman posible. Malay natin kung ‘yun ang dumating sa akin.”

Ang dami nga ng naintriga sa itinugon ni JC sa isang panayam sa kanya na wala siyang love life pero mayroon siyang sex life! Lalo pa ‘atang nahulog ang mga panty, este loob ng kababaihan at mga beki sa kanya sa sinabi niyang ‘yun.

“Hindi ko naman sinasabing ‘yun ang tama at dapat tularan. Pero sa sitwasyon ko ngayon, nag-a-agree naman ako na kung gusto mo makakahanap ka naman ng paraan. Na hindi mo kailangang pumasok into a relationship for as long as mutual understanding ‘yung namamagitan sa inyo ng partner mo. Nagpapaka-totoo lang naman ako. Normal naman ito sa edad ko at sa henerasyon ko. Aware rin naman ako of the dangers and the risks. As long as its consensual, no commitment…”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …