Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Inah Estrada, expected nang ikokompara sa mga magulang na sina Janice at John (Miles, Inah, at Alyanna, bibida sa bagong Wansapanataym special)

ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI maitago ni Miles Ocampo ang excitement sa bagong project na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN, ang Wansapanataym para sa episode na Witch-A-Makulit na makakasama niya sina Inah Estrada at Alyanna Angeles.

Bale ang Witch-A-Makulit, ang bagong kuwentong pampamilya na ibabahagi sa TV viewers ng Wansapanataym sa Linggo (Hunyo 15).

“Nakaka-excite po dahil first time ko na magkaroon ng role na mayroong superpowers,” ani Miles na gaganap bilang si Krystal, ang pangalawa sa tatlong magkakapatid na ipinanganak na may lahing mangkukulam.

“Pampamilya po talaga ang kuwento nina Krystal, Jade (Inah), at Emerald (Alyanna) dahil bukod sa mga away-magkakapatid, tiyak marami rin po silang aral na matututuhan tulad ng importansiya ng pagsunod sa magulang,” paliwanag pa ni Miles.

Espesyal naman para kay Inah, panganay na anak nina Janice de Belen at John Estrada ang Witch-A-Makulit dahil ito ang kanyang kauna-unahang TV project.

“Sa totoo lang po, kinakabahan talaga ako sa expectations sa akin ng mga tao dahil magagaling na artista ‘yung mga magulang ko. Pero sa ngayon po, ine-enjoy ko lang ‘yung moment at nagpapasalamat na binigyan ako ng chance na makapagbigay-inspirasyon sa mga kabataan,” anang dalagita.

Samantala, isa namang magandang learning experience para kay Alyanna na makasama sa isang Wansapanataym special.

“Masaya po ako na makasama sina Ate Miles at Ate Inah kasi marami po akong natututuhan sa kanila,” sabi ng Kapamilya child star.

Bahagi rin ng Witch-A-Makulit sina Benjie Paras, Malou Crisologo, Wilma Doesnt, Kristel Fulgar, CJ Navato, Jon Lucas, Nina Dolino, at Chienna Filomeno. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Mariami Tanangco-Domingo at idinirehe ni Lino Cayetano.

Kaya huwag palampasin ang simula ng Wansapanataym special nina Miles, Inah, at Alyanna ngayong Linggo, 6:45 p.m., bago mag-The Voice Kids sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …