Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Di na lang bukol, may acting na rin!

ni Pete Ampoloquio Jr.

Dati-rati, identified ang hunk actor na si Jake Cuenca sa pagpapakita o pagpo-flaunt ng kanyang katawan sa kanyang mga pictorials, pelikula at endorsements.

Ang say nga ng mga vaklungs, talaga raw enjoy na enjoy silang ma-sight ang bukol ni Pareng Jake na talaga namang nakawawala ng problema. Nakawawala raw ng problema, o! Harharharharharhar!

At dahil walang keber at pakialam na pagpapakita niya ng kanyang hubad na katawan, pati mga chicks (given na kasing ma-el sa kanya ang mga vaklungs…Hahahahahahahahahaha!) ay tunay namang naiintriga.

Kaya naman pati si Lovi Poe ay nabighani (nabighani raw talaga, o! Hahahahahaha!) at matagal din pinagpistahan ang kanilang inte-resting love story. Apart from Lovi, di rin nakaligtas sa kanyang ‘venom’ (ve-nom daw talaga, o! Hahahahahaha!) ang mahusay umarteng si Melissa Ricks na memorable talaga ang performance sa “Nasaan Ka, Elisa?” But then, predictably so, sa wala rin nauwi ang kanilang relasyon dahil tipong not the marrying kind yata si Papa Jake. Anyway, people from all walks of life are talking about him dahil sa kanyang riveting performance lately sa hot soap ng Dreamscape television na Ikaw Lamang. Pinatunayan kasi the other night ni Jake na hindi rin siya magpapakabog sa intensity ng acting ni Coco Martin at carry rin niyang makipagsabayan.

Talaga naman kabogero ang kind of acting niya nang makarating sa kanyang pumanaw na ang biological mom niyang si Miranda as delineated with aplomb by Ms. Cherie Gil.

Honestly, buong tindi niyang nai-project ang emosyon ng isang taong nawalan nang isang ina na bukod-tanging nakauunawa sa kanya.

He cried with all the pain and bitterness in the world and he was also able to project as Franco, in a highly convincing manner, the angst that the role requires. Bravo, Jake! Na-patunayan mong your’re an actor of the first magnitude.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …