Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Plunder, Graft vs 3 Pork Senator ini-raffle na

INI-RAFFLE na ng Sandiganbayan kahapon ng umaga ang kasong plunder at graft na inihain ng Ombudsman laban sa tatlong senador kaugnay sa multibillion-peso pork barrel scam.

Pinagsamasama ng anti-graft court ang 45 criminal information na kanilang natanggap, 42 ang graft at tatlo ang plunder.

Ang plunder case at graft cases ni Senador Juan Ponce Enrile ay hahawakan ng Sandiganbayan 3rd division, sa pamumuno ni Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang.

Ang mga kaso ni Senador Jinggoy Estrada ay hahawakan ng 5th division, sa pamumuno ni Associate Justice Roland Jurado.

Habang ang mga kaso ni Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., ay hahawakan ng 1st Division, sa pamumuno ni Associate Justice Efren dela Cruz.

Ayon kay Cabotaje-Tang, nagdesisyon silang pagsamahin ang lahat ng mga kaso upang maging simple ang paglilitis dahil ang graft cases ay may kaugnayan sa plunder complaints.

Ang Sandiganbayan ay may 10 araw para madetermina ang probable cause sa inihaing mga kaso.

Ngunit sinabi ni Sandiganbayan Spokesperson Renato Bocar, maaaring hindi sapat ang 10 araw dahil komplikado ang mga kaso.

ARESTO MATAGAL PA

NILINAW ng Sandiganbayan na hindi agad maaaresto sina Sens. Juan Ponce-Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla.

Ito’y kahit nai-raffle na ang mga kaso ng tatlo sa Sandiganbayan.

Ayon kay Sandiganbayan Spokesperson Renato Bocar, may 10 araw ang justices para pag-aralan ang kaso.

Ngunit hindi aniya ibig sabihin na pagkatapos ng 10 araw ay maglalabas agad ng arrest warrant dahil baka kailangan pa ng Sandiganbayan justices ng panahon para pag-aralan ang kaso.

Sinabi ni Bocar, marami ang mga ebidensiya at komplikado pa ang nature ng kaso.

Bukod aniya rito, kailangan pa resolbahin ng anti-graft court ang mga mosyon para sa determination of probable cause at mosyon na humihiling na isuspinde ang proceedings.

ENRILE HUMIRIT NG PIYANSA

HINILING ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile sa Sandiganbayan na payagan siyang magpiyansa sakaling madetermina na may probable cause ang kinakaharap na kasong plunder kaugnay sa pork barrel scam.

Sa 51-pahinang urgent omnibus motion, iginiit ni Enrile na hindi siya guilty sa mga akusasyon laban sa kanya.

Apela ni Enrile sa anti-graft court, payagan siya makapiyansa kahit na malakas ang mga ebidensiya laban sa kanya, dahil hindi siya tatakas.

Napag-alaman, ang plunder ay isang non-bailable offense o hindi maaAring magpiyansa.

Binigyang-diin ni Enrile sa kanyang petisyon na siya’y 90-anyos na at kailangan ng medical attention.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …