Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Saan Ka Man Naroroon Aking Mahal (Ika-51 labas)

SA P10,000 INUMIT SA IBINAONG SALAPI NA BUNGKOS-BUNGKOS NAGAWA NIYANG MAGTAGO

“Tapos na ang mga kalokohan n’ya,” birada ng isang tricycle driver na may tangan na tabloid.

“T’yak, tatanggihan s’ya ni San Pedro,” sabad ng isa pa.

“Mas aayawan s’ya sa impyerno. ‘Di papayag si Taning na me makaagaw sa trono!”

Nakatutulig ang sumambulat na tawa-nan.

“Teka,” sabi ng may hawak sa binabasang pahayagan. “Me kasama pala si Tutok, ‘di natimbog, nakatakas.”

“Sino kaya ‘yun? Una pang gumarahe sa Norte ang sparing partner n’yang si Kinis, a.”

Ewan kung bakit maging ang pagsulyap sa akin ng binatang nakakagrupo ko sa mga inuman ay inakala kong may paghihinala.

“Pards,” tango sa akin ni Maryang Pa-lad. “Me naghahanap sa ‘yo kanina.”

“Ay, oo nga,” pitlag ng panot na tricycle driver. “Matangkad na lalaking payat.”

Pasaludong pinagtaasan ko ng kanang kamay ang dalawang lalaki sa pagpapasalamat. Nasisiguro kong si Dennis ang “matangkad na lalaking payat.” Hindi sasala na mahigpit na ang paghahabol niya sa sala-ping tangay ko sa pagtakas.

Banayad akong lumayo sa umpukan. Hindi lang mga awtoridad ang naghahanap ngayon sa akin, pati na si Dennis. Kung noong una ay gusto ko siyang makasamang muli, ngayon ay hindi na. Ayaw ko nang may makabiyakan sa itinago kong pera.

Panay ang text at tawag sa akin ni Dennis. Hindi ko sinagot ang mga mensahe o tawag niya. At wala akong balak pag-ukulan siya ng pansin. Kung matitiyempohan at masusukol ako ng “kapreng malnourished” ay mayroon naman akong maidadahilan. Sasabihin ko, natatakot akong baka hawak na siya ng mga pulis at nag-aala-Hudas. Kabalahibo niya si Tutok sa pagkakaroon ng “buong-loob, sirang tuktok.” Pero naniniwala akong payat din ang utak ni Dennis.

Inabandona ko ang aking tira-han. Hindi rin ako nagpipirmi sa isang lugar. Hindi ako namasada at ipinagsabi ko sa mga kasamahan sa TODA na sira ang aking traysikel. Iniwasan kong magpakalat-kalat upang hindi ako maging madaling target ng pulis at ni Dennis. Ginamit ko sa pakikipagtaguan-pong ang sampung libong piso (P10,000) na ibinawas ko sa bag ng bungkos-bungkos na salapi. Sa mabaho at bulok na motel ako nagpalamig. Ginagambala man ng mga di-biro-birong alalahanin ay si Carmina pa rin ang laging laman ng aking isip.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …