Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Daigdig ng mga Engkanto (Part 19)

NAGBAGONG-ANYOANG MGA TAO AT MGA KABATAAN SA KANILANG PALIGID

“Iba na talaga ang mga kabataan ngayon. Ha-tinggabi na’y nasa lansangan pa,” sa loob-loob ni Joan.

Biglang nanghawak sa kamay ni Joan si Zaza na katabi niya sa upuang bato ng pook-pasyalan.

“Tamang lugar po ang napuntahan natin,” aniya na tila bitin ang paghinga.

Sa panggigilalas nina Joan, Zaza at Zabrina ay bigla na lamang nagliparan sa ere ang mga kabataang babae at lalaki sa kanilang paligid. Nagpalit ng iba’t ibang anyo ang lahat. May naging tiyanak, asong aswang, manananggal at mga lamang-lupa.

Kasabay niyon ang paglitaw ng lalaking kamukha ni Jonas na natagpuang bangkay sa hotel. Pero hindi nagtagal at nagpalit agad ng anyo bilang isang halimaw.

Buong tapang na hinarap ni Zaza ang halimaw na padamba niyang sinakyan sa likod.

Biglang nawala sa paningin nina Joan at Zabrina si Zaza na sumakay sa likod ng halimaw.

Sa daigdig ng mga engkanto lumanding si Joan.

Gumulong-gulong sa damuhan ang malig-nong si “Jonas.” Takot na takot.

Nagtatatarang na tumakbong palayo sa kasintahan ni Roby.

Naghintay sina Joan at Zabrina sa muling pagsulpot ni Zaza sa parke. Noon napag-usapan ng mag-ina ang tungkol sa pagkopya ng maligno sa katauhan ni Jonas.

“Mabuti na lang, sa tinagal-tagal nang pagsama-sama sa ‘yo ng pekeng Jonas na ‘yun ay hindi ka ginawan ng masama.” Pagbubuntong-hininga ni Joan. “Siguro, ‘yun ang engkantong matagal nang in-love sa ‘yo.”

“F-feeling ko nga, Mommy…”

“Maganda ka kasi, anak, e…”

Sa daigdig ng mga engkanto ay biglang lumitaw si Roby kasunod ang pagpapakita ng mag-asawang maligno. At sumulpot din doon ang maligno na kamukha ni Jonas.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …