Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Richard, marami ang isinakripisyo para kay Sarah!

ni Ed de leon

TALAGANG marami nang naipakitang sakripisyo si Richard Gutierrez para sa nanay ng kanyang anak na si Sarah Lahbati. Ang pinakamalaking sakripisyo nga siguro ay ng pansamantala niyang pagtalikod sa kanyang career. Sinasabi niyang gusto niyang magbakasyon matapos ang maraming taon ng tuloy-tuloy na trabaho, pero ngayon maliwanag na ngang gusto niyang makasama at masubaybayan ang pagbubuntis at ang panganganak ni Sarah.

Isa pa, iniwasan niyang mag-renew ng kontrata sa kanyang home network sa kabila ng magandang offer dahil sa problema rin ng kanyang girlfriend sa network, at nangako siyang dadamayan iyon ano man ang mangyari.

Ngayon na nagbabalik si Sarah sa showbusiness, at kailangan ng boost sa career, inamin ni Richard na may anak na nga sila. Iyong pag-amin ni Richard ay mas pabor kay Sarah kaysa kanya. Kaya nga nasasabi namin na marami na talagang ginagawang sakripisyo si Richard para sa kanyang girlfriend at sa kanyang anak.

Kung sa bagay, hindi naman siguro maaapektuhan ang popularidad ni Richard sa ginawa niyang pag-amin na tatay na nga siya. Marami na rin namang ibang mga actor na umamin na tatay na sila na hindi naman naapektuhan ang popularidad, lalo na nga’t ang kanilang career ay nakarating na roon sa puntong hindi lamang ang kanilang personalidad ang kanilang puhunan, kundi lalo na ang kanilang talents.

Nakarating na rin naman si Richard sa puntong iyon. Isipin nga ninyo, nakapagbakasyon siya ng halos isang taon, hindi siya lumalabas kahit na saan. Pero nang muli siyang magpakita sa publiko, ganoon pa rin kainit ang pagtanggap sa kanya ng mga tao. Paano mo nga ba sasabihing maaapektuhan pa si Richard ng kahit na anong bagay?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …