Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

10 rason kung bakit kaabang-abang ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon

ni Pilar Mateo

NAKABILANG kami sa nabigyan ng pagkakataon para sa advanced screening ng aabangang teleserye sa ABS-CBN na hatid ng Dreamscape Entertainment Television, ang Sana Bukas pa ang Kahapon na mapapanood na simula sa June 16, 2014 ng gabi.

Narito ang 10 rason na nakita namin sa natunghayan na palabas (para sa isang linggo) kung bakit ito hindi dapat na ma-miss:

1. Luma na ang plot na may kakambal, may ka-triplet o may diary na hahalukayin sa kabuuan ng teleserye. Walang ganoon dito!

2. Dalawa ang karakter ni Beas as Rose and Emmanuelle-but as the plot thickens-a third character like a Phoenix will rise from the ashes na pagaganahin talaga ang utak mo sa pagkilala at pagkilatis sa kanya

3. Oh gawd! Kaabang-abang all the scenes of Paulo Avelino in his yumminess na ‘di nagpapaka-yummy! You’ll fall in love with him kahit…

4. Albert Martinez yes-hindi may asim pa, eh…may depth pa rin…

5. Ang pinanood namin eh, para sa first week at puno na ito ng materyal that will make you stay glued to your couch at uuwian mo talaga para masimulan.

6. Nagtatalo-talo kami at involved na para malaman ang killer ni Sir Henry (Chinggoy Alonzo). Ang daming suspects…

7. And Maricar Reyes? This is her best so far—’yan ang bitch na karakter na kamumuhian mo until…

8. Hitik ang mga linya ng mga sumulat sa nagpapalutang sa mga eksena-ang sensuality scenes nina Bea at Paulo…

9. Dahil magagaling ang mga direktor (Trina Dayrit at Jerome Pobocan)—kilala na sila sa kanilang kalidad at integridad bilang tagapaghatid ng makabuluhang mga eksena.

10. At muli-Dreamscape Entertainment Television na naman ang maghahatid nito—they don’t settle for anything less-stars, story, directors, support and supporter.

All the ingredients that you need to concoct a beautiful plot are present—tamis, pait, anghang, alat—na kung gagawa ka ng isang espesyal na tsokolate will make all your senses work and come alive!

Higit sa lahat, ang musika na inilagay sa tamang paglalapat sa theme songs sung by Angeline Quinto!

Apaw sa blessings ang nasabing palabas na ngayon pa lang ay ipinagpapasalamat na ng grupo.

Dagdag ko pa: Bea’s performance in Sana Bukas pa ang Kahapon has taken her up a notch to her queenly status! The performances of the actors has taken them to a level taller than the towers they are in now! Oohs and aahs for Paulo! Maricar shines as the new bitch on the block!

Magsama-sama na tayong tumutok!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …