Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Revilla nagpaalam na sa Senado (Tinawag na ‘kosa’ si Jinggoy)

061014 bong revilla

HINAMON ni Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., si Pangulong Benigno Aquino III na ang national interest ng bansa ang atupagin at huwag ang kanyang agenda na resbakan ang mga kalaban sa politika, sa kanyang privilege speech kahapon sa Senado. (JERRY SABINO)

NAGHANDOG ng kanyang awitin si Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr., sa kanyang privilege speech nitong Lunes ng hapon bilang pasasalamat sa mga tagasuporta at kasamahan niya.

Ginawa ito ni Revilla, tatlong araw makaraan sampahan ng kasong plunder ng Ombudsman sa Sandiganbayan.

Maging sina dating Pangulong Joseph Estrada at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay kanyang pinuri at pinasalamatan.

Naging emosyonal ang senador habang nagsasalita sa plenaryo.

Sinabi niyang handa siyang makulong kung ito ang magiging daan ng pagsasaayos ng kanilang kinabibilangang institusyon.

“Makulong man nila ako, hindi nila makukulong ang aking pagmamahal sa bayan,” pahayag ni Revilla.

Una rito, pag-upo pa lang sa gallery ng Senado ay naiyak na ang kanyang asawang si Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla.

Biniro niya si Sen. Jinggoy Estrada bilang “kakosa.”

“Kosa, hanggang dito ba naman magkasama tayo? Pinagtatawanan tayo siguro ni Daboy ngayon. Kidding aside, hindi ito ang katapusan natin pare. God is just preparing us for something better.”

(NIÑO ACLAN

Banat kay PNoy
NATIONAL INTEREST ATUPAGIN HUWAG POLITICAL AGENDA

BINUWELTAHAN ni Sen. Ramon “Bong” Revilla si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa aniya’y panggigipit sa mga kalaban sa politika.

Sa kanyang privilege speech sa Senado kahapon, nanawagan ang senador sa Pangulo na sa nalalabi niyang taon sa Palasyo, isulong ang national interest at hindi ang political agenda.

Ayon kay Revilla, dapat atupagin ni Aquino ang pagbibigay ng hanapbuhay sa mga Filipino, pabilisin ang rehabilitasyon ng mga biktima ng kalamidad, bigyang solusyon ang krisis sa koryente at magkaroon ng programa sa edukasyon kaysa habulin ang mga kalaban sa politika.

Dapat aniyang isulong ng Pangulong Aquino ang pagkakaisa at hindi ang pagkakawatak-watak.

Sinabi ni Revilla, hindi magandang legasiya para sa Pangulo ang pagpapakulong sa kanyang mga kalaban.

500 SUPPORTERS SUMUGOD SA SENADO

SUMUGOD sa Senado ang tinatayang 500 miyembro ng Urban Poor Kontra Kurapsyon at Samahan ng Nagkakaisang Caviteño para sa Katarungan at Katotohanan.

Ipinoprotesta nila ang anila’y political persecution laban kay Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr.

Ayon kay Jojo Lopez, vice president ng Samahan ng Nagkakaisang Caviteno, simula pa lamang ito nang malawakan nilang pagkilos laban sa anila’y pangha-harass ng administrasyon sa pamilya Revilla

EX-GMA, ERAP LAWYER IDEDEPENSA SI JINGGOY

NAGSUMITE na ng entry of appearance ang dating abogado ni Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na si Atty. Jose Flaminiano para idepensa si Sen. Jingoy Estrada para sa plunder case.

Matatandaan, si Flaminiano ay kumalas sa pagiging abogado ni Arroyo para sa kasong may kaugnayan sa ZTE-NBN deal.

Habang naging malapit sa kampo ng mga Estrada si Flaminiano noong magsilbing defense counsel ni dating pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa impeachment trial at sa Sandiganbayan sa kaso ring plunder.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

https://www.instagram.com/p/CbrIQt_LxCC/?utm_source=ig_web_copy_link