Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baby Zion, ‘di raw itinago nina Sarah at Richard

 

ni John Fontanilla

“W E never denied him! We just wanted to keep our privacy!” Ito ang pahayag ni Sarah Lahbati sa biglang pag-amin ni Richard Gutierrez ng kanilang anak na si Baby Zion sa mismong reality show ng pamilya Gutierrez.

At sa rami ng mga bumabatikos sa kung bakit ngayon lang nila inamin na may baby na sila ay ito lamang ang sagot ni Sarah na ipinadaan niya sa kanyang Instagram. “Once and for all, I do not care about the hate tweets and all the ‘poor baby bakit ganito, ganyan.”

Na sinundan ng, “I just want to make it clear to you that from DAY ONE, we took care of him, loved him, protected him and gave him everything, until now.

“Oh well, I love my family and I’m extremely happy and blessed that we were able to finally share our life with everyone. Spread the love d’þ”

SYLVIA, SINAGOT ANG MGA BUMABATIKOS SA BE CAREFUL…

AYAW na lang daw patulan ng  mahusay na  actress na si Ms Sylvia Sanchez ang pangba-bash ng ilang tao sa kanilang top rating show na Be Careful with my Heart sa pagsasabing sobrang tagal na nito at kailangan ng tapusin.

Tsika ni Ms. Sylvia, normal lang daw naman na may mga taong hindi masaya sa magandang itinatakbo ng kanilang show . “You cannot please everybody! ,” anito.

“May iba`t ibang opinyon talaga ang mga tao, may hindi nag-eenjoy na manood ng show namin at alam naman namin na mas maraming nag- eenjoy sa panonood nito.

“Hindi naman kasi tatagal ng ganito katagal ang ‘Be careful’ kung hindi gusto ng mga manonood.”

Pero sa mataas na rating at dami ng mga TV commercials ng Be careful ay mukhang malabo pa itong magtapos ng maaga. Dagdag pa nga ni Ms. Sylvia, marami pang dapat abangan dito lalo na‘t isinilang na ni Maya (Jodi Sta Maria) ang twins nila ni Sir Chief (Richard Yap)  at ang mga exciting na istorya ng lahat ng characters na bumubuo ng Be careful with my Heart.

MR GORGEOUS 2014 NG PRINCE OF XANADU, MATAGUMPAY NA NAIRAOS

MATAGUMPAY ang katatapos na Mr. Gorgeous 2014 ng Prince of Xanadu sa Scout Borromeo st., Bgy South Triangle, Quezon City na naglaban-laban ang 16 na nagguguwapuhang lalaki mula sa iba‘t ibang lugar sa Metro Manila.

Wagi bilang 2014 Mr. Gorgeous at nag-uwi ng P30,000 cash with sash and trophy si Myles John Palisoc, 1st runner up naman si Louis Madrigal na nag-uwi ng P15,000, habang 2nd runner up si Kirby Kier Nuestro na nakapag-uwi ng P7,500.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …