Monday , December 23 2024

Drilon kontra sa aresto sa Senado (Plunder isinampa sa Sandiganbayan)

INIHAYAG ni Senate President Franklin Drilon kahapon, hindi niya hahayaan arestuhin ang kanyang kapwa mga senador na sangkot sa pork barrel scam, habang nasa sesyon ang Senado.

Ayon kay Drilon, hindi niya pahihintulutan ang mga awtoridad na isilbi ang warrant of arrest sa loob ng session hall o sa Senado, bilang respeto sa institusyon.

Ang Senado ay may sesyon hanggang Hunyo 13 at mag-a-adjourn sa Hunyo 14.

Samantala, naniniwala si Drilon na hindi magtatago sina Enrile, Estrada at Revilla. Aniya, inaasahan niyang babaling sa legal remedies ang tatlo upang hindi maaresto.

Kabilang sa legal remedies ang bail, idinagdag niyang ibinabasura lamang ang bail kapag malakas ang ebidensya.

Nauna rito, inihayag ni Drilon na pansamantalang pipigilan ang tatlong senador sa pagtupad sa kanilang trabaho bilang mga mambabatas kapag naghain ng mosyon ang Ombudsman sa Sandiganbayan para suspendihin ang tatlo kaugnay sa plunder case.

Nauna rito, sinampahan na ng kasong plunder at graft sa Sandiganbayan kahapon sina Senate Minority Floor Leader Juan Ponce Enrile, Senators Jinggoy Estrada at Ramon ‘Bong’ Revilla kaugnay sa multibillion-peso pork barrel fund scam.

Sinampahan din ng Ombudsman ng katulad na mga kaso si Janet Lim-Napoles, ang sinasabing mastermind sa racket ng pagkulimbat sa bilyon-bilyong halaga ng livelihood projects and farm inputs na para sa mahihirap na mga magsasaka, sa pamamagitan ng pagbibigay ng pondo sa pekeng NGOs at sa kickbacks para sa mga mambabatas.

Ito ay kasunod ng pagbasura ng Ombudsman sa lahat ng motion for reconsiderations na inihain ng mga akusado sa plunder at graft kaugnay sa scam.

Ang mga kaso ay ira-raffle sa limang dibisyon ng anti-graft court upang mabatid kung alin sa kanila ang may hurisdiksyon na litisin ito.

(CYNTHIA MARTIN/NIÑO ACLAN)

PALASYO NAKAABANG

INAABANGAN ng Malacañang ang napipintong pag-aresto ng mga awtoridad kina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon “Bong” Revilla Jr. kaugnay sa kasong plunder sa pork barrel scam.

Ito ay makaraan ibasura ng Ombudsman ang motions for reconsideration ng tatlong senador at ni Janet Lim-Napoles.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, malaking hakbang ito pasulong sa judicial process.

Ayon kay Coloma, umaasa silang hindi huhupa ang vigilance at interes ng taong bayan sa hustisya hanggang ganap itong makamit.

WARRANT OF ARREST PINAPIPIGIL NI REVILLA

HIHILINGIN ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. sa Sandiganbayan na itigil ang pagpapalabas ng arrest warrant laban sa kanya sa kasong plunder kaugnay sa pork barrel scam.

Ayon sa abogado ni Revilla na si Atty. Joel Bodegon, maghahain sila sa Sandiganbayan ng motion for judicial determination of probable cause and deferment of suspension of proceedings.

Sinabi ni Bodegon, hindi dapat magpalabas ng arrest warrant ang Ombudsman hangga’t hindi nadedetermina ang kaso.

Giit ng abogado, naniniwala silang dapat walang kaso laban sa senador.

Bukod sa Sandiganbayan, isa pang petisyon ang ihahain ng kampo ni Revilla sa Supreme Court.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *