Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Parada ng mga sikat sa GRR TNT

ISA na namang katangi-tanging panoorin ang hatid ng programang  Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) ngayong Sabado, 9:00-10:00 a.m. sa GMA News TV.

Kakapanayamin ni Mader Ricky ang world class beader-designer na si Amir Sali (kasama ni RR sa kalakip na larawan). Dahil sa artistikong paggawa niya ng mga damit ay sumikat siya ‘di lang dito sa sariling bayan kundi pati sa ibang bansa.

Si Amir ang gumawa ng wedding gown ni Korina Sanchez nang ikasal ito kay DILG Sec. Mar Roxas. Suki rin niya si KC Concepcion na kapag may importanteng sosyala’y tiyak na siya ang nagdidisenyo. Malalaman ding ang mga ginang ng mga royalty sa KSA (Kingdom of Saudi Arabia) ay kostumer ni Amir.

Ipakikilala sa programa ang isang grupo ng mga kabataang naispatan ni Mader sa isang kasayahan. Ito’y ang mga batang imbes na magsayang ng oras ay nagtayo ng grupong Square One.

Tutukan ang pagsayaw at pag-awit ng mga bulilit rakista sa GRR TNT.

Make Over Magic Like No Other ang hatid ni RR sa mga taong namroroblema sa buhok tulad ng pagkalagas, pagnipis, at pagkakalbo.  Sa ating beauty guru, walang imposible.

Basta mga sikat, sa GRR TNT na prodyus ng ScriptoVision sila itatampok.  Basta problemang pangkagandahan, si Mader ang may lunas.

At sa kanyang programa pinararangalan ang mga nangunguna sa iba-ibang larangan. At ang bonus pa’y mga payong pangkalusugan tulad ng nakukuhang benepisyo sa food supplements tulad ng MX3 capsule, tea and coffee at Acai Berry juice na galing sa USA.

Maaari ring sumulat o mag-email ng problema kay Mader.  Magugulat na lang kayo at biglang matutupad ang inyong mga kahilingan at pangarap.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …