IPINALABAS ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kahapon ang Executive Order 169 para sa pagpapatupad ng emergency measures sa Region 4 o Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) at Basilan kasunod ng pananalasa ng coconut scale insect o peste sa niyog.
Ang EO ay batay sa rekomendasyon ni Presidential Assistant on Food Security and Agriculture Modernization Francis Pangilinan.
Sakaling hindi mapigilan, aabot sa P33 billion ang halaga ng pinsala ng peste sa industriya ng niyog.
Kabilang sa pagtutuunan ang livelihood projects sa apektadong mga magsasaka.
Inihayag ni Pangilinan, magtatayo ng 20 quarantine stations sa Region 4.