Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Daigdig ng mga Engkanto (Part 13)

LUMABAS SA HARAPAN NINA ROBY AT ZAZA ANG MAG-ASAWANG ENGKANTO

“H-hindi ko na nga tuloy ma-describe ang itsura nu’n, e. Kadiri kasi sa kapangitan,” naisatinig ng dalaga.

Pamaya-maya, mula sa tila-manipis na transparenteng salamin na ala-plastic balloon sa tabi ng nilalakaran nina Roby at Zaza ay biglang lumitaw ang isang kamay na mabalahibo at may matutulis na kuko. Hinatak nito sa braso si Roby. At natangay din si Zaza na nakakapit sa kamay ng binatang nobyo.

Naglaho sa kalsada sina Roby at Zaza. Lata na lang ng softdrinks ang tanging naiwan sa lugar.

Madilim na madilim ang buong paligid na pinagdalhan ng maligno kina Roby at Zaza. May mga mumunting liwanag na kikislap-kiplap doon. Parang kawan ng mga alitaptap na lumilipad-lipad sa ere.

“S-sa’n tayo naroroon?” naitanong ni Zaza sa namaos na tinig.

“E-ewan ko … Wala akong ideya kung nasaan tayo,” ang tugon ni Roby na litang ang isipan.

Sa mismong harapan ng magkasintahan lumitaw ang mag-asawang maligno. Napapaligiran ang mga ito ng mga kabataang babae at lalaki na lilipad-lipad sa ere gayong wala naming mga pakpak.

“Ang sinumang taong mortal na nakapasok sa aming daigdig ay hindi na makalalabas dito nang buhay,” halakhak ng isang matinis na boses.

“Pero maswerte pa rin kayo, lalo na ikaw Roby, dahil anak-anakan ang turing                                   sa ‘yo ng mag-asawang kauri namin na walang anak,” ang pahayag ng isa pang maliit na boses.

Matagal na matatanga sina Roby at Zaza sa malabis na panghihilakbot.

Alalang-alala na noon si Zabrina. Ni hindi nito makontak sa cellphone sina Roby at Zaza. At halos mag-uumaga na noon.

“Naka-off ‘ata ang kanilang mga cellphone,” pagsasabi ni Zabrina kay Bambi.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …