Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Simon nagbida sa ratsada ng San Mig

ISANG dahilan kung bakit nangunguna ngayon ang San Mig Super Coffee sa ginaganap na PBA Governors’ Cup ay ang mahusay na laro ni Peter June Simon.

Napili ng PBA Press Corps si Simon bilang Player of the Week para sa linggong Mayo 26 hanggang Hunyo 2 dahil sa kanyang kontribusyon sa tatlong sunod na panalo ng Mixers at makuha ang liderato sa kartang apat na panalo at isang talo.

“Sabi lang ni coach (Tim Cone) na kailangang maging aggressive sa offense at defense,” wika ni Simon.

“Nakita naman namin talaga na medyo pagod din, pero ang maganda kapag nalabanan mo yung pagod, napakasarap ng feeling. Eh ito ang maganda eh, kapag nananalo ka, nakakawala ng pagod.”

Noong Mayo 27 ay humataw si Simon ng 22 puntos upang pangunahan ang San Mig sa 108-90 na pagdispatsa sa Meralco at pagkatapos ay nagdagdag siya ng 24 puntos sa 92-82 panalo ng Mixers kontra Globalport noong Mayo 30.

At noong Linggo ng gabi ay tumipa si Simon ng 19 puntos sa 102-90 tagumpay ng Mixers kontra Barangay Ginebra San Miguel sa pagdiriwang ng kanyang ika-34 na kaarawan.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …