Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam, tinuhog ang magkaibigang Sue at Eliza

ni Pilar Mateo

LOVE story, love triangle. Ito ang anggulo ng episode ng MMK (Maalaala Mo Kaya) sa Sabado, May 31, 2014 sa ABS-CBN.

At ang magsisiganap ay sina Sam Concepcion, Sue Ramirez, at Eliza Pineda.

Best friends sina Sue at Eliza sa katauhan nila bilang sina Susan at Cecile. At magkakalamat ito sa pagdating ni Rope (Sam) sa buhay nila. Na naging ex-boyfriend ni Cecile at si Susan naman ang niligawan.

Ano ang naging tsansa ng pag-iibigang may sinaktan sa dulo ng lahat?

Tampok din sa upcoming episode sina Eunice Lagusad, Shirley Fuentes, Arnold Reyes, Angeli Gonzales, Alec Dungo, Annika Gonzales, EJ Jallorino, Joyce So, at Karen Reyes, sa ilalim ng direksiyon ni Theodore Boborol, panulat nina Benjamin Benson Logronio at Arah Jell Badayos, at saliksik ni Michelle Joy Guerrero.

Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos, production manager na si Roda dela Cerna, at executive producer na sina Lindsay Anne Dizon at Fe Catherine San Pablo. Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya,MMK, tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng The Voice Kids sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like angFacebook.com/MMKOfficial.

JOM, GUSTONG MAG-ARAL NG MUSICAL SCORING

THIS SUNDAY naman, June 1, 2014, tuloy na tuloy na ang pagbabalik ng aktor na si Jomari Yllana sa racetrack sa pagkarera niya saBatangas Racing Circuit sa kanyang nauna ng inilunsad na sasakyan.

Dati ng sumasalang sa karera ng kotse si Jomari at madalaa din ang panalo niya noon sa nasabing mga car racing events.

Sa gaganaping Philippine Grand Touring Car Championship, si Jomari lang ang artista. Pero alam niya na kahit ang mga babaeng artistang kasama niya eh, may mga inumpisahan na ring salihang mga karera ng kotse.

Excited si Jom dahil manonood ang umiidolo sa kanyang anak na si Andre, kasama ang kapatid nitong si Marthena at Lola Elsie.

After this, balik-TV si Jom at malamang balik-aral din dahil gustong kumuha ng kurso sa Musical Scoring.

Manggugulat?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vilma Santos Mikee Morada Alex Gonzaga

Gov Vilma na-miss ng mga taga-Lipa; Alex at Mikee sinusubukan pa ring makabuo ng baby

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SAYANG at hindi nakadalo ng misa sa San Sebastian Cathedral sa …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …