Saturday , November 23 2024

Payatas barangay admin tinaniman ng bala sa ulo

PATAY noon din ang isang babaeng opisyal ng barangay makaraang barilin nang dalawang beses sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Supt. Eleazar Matta, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Batasan Police Station 6, kinilala ang biktima na si Vivien de Castro, 55, barangay administrator at residente sa Gumamela St., Barangay Payatas A.

Sa ulat, nag-aabang ng masasakyan ang bitkima sa kanto ng IBP Road at Ilang-Ilang Sts., Payatas A, nang lapitan ng armadong lalaki saka binaril nang dalawang beses sa ulo dakong 6:30 p.m.

Nang matiyak na patay na ang target, dumating ang isang lalaking nagmamanaheo ng motorsiklo dito agad umangkas ang gunman saka mabilis na tumakas.

Inaalam ng mga awtoridad kung may kaugnayan sa politika at kung hired killer ang sangkot sa pamamaslang.

(Almar Danguilan)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *