Wednesday , April 16 2025

Kagawad ng Antipolo tinambangan sa Caloocan

KRITIKAL ang kalagayan ng isang barangay kagawad ng Antipolo matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi nakilalang suspek, sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Inoobserbahan sa Manila Central University (MCU) hospital, ang biktimang kinilalang  si Dan Wilson Chua 35, kagawad ng Brgy. Santa Cruz, Antipolo City residente ng No. 300 Sitio Sta. Cruz, sanhi ng tatlong tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa dibdib, tuhod at katawan.

Tugis ng mga awtoridad ang dalawang suspek na mabilis tumakas sakay ng motorsiklong hindi naplakahan.

Sa ulat nina POs3 Rommel  Bautista at Joy Alcoriza, kapwa may hawak ng kaso, naganap ang insidente sa tapat ng warehouse sa Evangelista St., Brgy. 137, Bagong Barrio, dakong 6:30 ng umaga.

Ipinarada ng biktima ang minamanehong Nissan Urban (ZMT-154) para mag-deliver ng mga RTWs (ready-to-wear), dumating ang dalawang suspek na agad tinapatan at pinagbabaril si Chua.

Samantala, umaangal ang mga tauhan ng Caloocan City Police dahil sa paghihigpit ng pamunuan ng Manila Central University (MCU) hospital, partikular sa mga imbestigador ng Station Investigation Division (SID) at pinalabas din sa parking area ng mga sekyu ang sasakyan ng mga pulis.

(rommel sales)

About hataw tabloid

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Krystall Herbal Oil

Heat stroke, haplos ng Krystall Herbal Oil kailangan para init mailabas sa katawan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Franz Pumaren

Pumaren sinampahan ng Graft complaint sa P50-M proyektong hindi natapos

KASALUKUYANG iniimbestigan ng Commission on Audit (COA) at ng Office of the Ombudsman ang reklamo …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *