Friday , November 22 2024

Sa Daigdig ng mga Engkanto (Part 6)

MASTERAL COURSE NI ROBY AT TUNGKOL SA PARANORMAL ANG TEMA NG KANILANG THESIS

Kasabay niyon ay naramdaman ng magkapatid na Joan at Mags ang malakas na paghangin sa kanilang paligid. At namatay ang sindi ng pitong kandila.

Sinindihan ng Ate Mags ni Joan ang mga ilaw sa kusina at komedor.

“Wala na sila… Hindi na nila kayo gagambalain pa ng mga engkanto,” ang sabi kay Joan ni Ingkong Emong na larawan ng pagtitiwala sa sarili.

“Maraming-maraming salamat po, Ing-kong,” sabi ni Joan, bakas sa mukha ang kapanatagan ng kalooban.

Nakaalis na si Ingkong Emong nang matapakan niya sa sahig ang puting panyo nito. Nababasa niya pero hindi niya alam ang kahulugan ng mga katagang nakasulat doon.

Dalawampung taon ang matulin na nakalipas.

B.S. Psychology ang kursong tinapos ni Roby sa isang sikat na unibersidad sa Quezon City. Pagkaraan niyon ay kumuha siya ng Master’s Degree sa paghahangad na mapalawak pa ang karunungan. Dito niya naging mga kaklase sina Jonas, Bambi at Zaza.

“Ang theme ng ating group thesis ay tungkol sa mga paranormal entities,” ani Zaza sa kina-bibilangang grupo.

“Ngiiii!” naibulalas ni Bambi sa pagpilantik ng mga daliri.

“Pwedeng tungkol ‘yan sa multo, aswang, dwende, maligno at iba pang nakatatakot na creatures… puro weird sa kapangitan,” sabat ni Jonas.

“‘Pag nag-appear sila sa akin, me-mek-apan ko sila. At ipe-pedicure-manicure ko pa ‘yung mahahaba nilang kuko,” irap ni Bambi kay Jonas.

“Teka, sa’n ba n’yo balak na isagawa ang pagre-research natin?” tanong ni Zaza.

Agad sumagot si Roby.

“Sa province namin… Marami tayong mai-interview du’n. May nakilala kaming albularyo doon nu’ng araw. Maraming alam ang matandang ‘yun tungkol   sa subject natin,” aniya na halatang excited.

“Ah, okey…” tango ni Jonas.

“This coming Sunday ang alis natin,” suhestiyon ni Zaza. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *