Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Saan Ka Man Naroroon Aking Mahal (Ika-39 labas)

HINANAP KO SI CARMINA SA PINAPAGSISILBIHANG AMO NI ARSENIA PERO WALA SIYANG MASABING IMPORMASYON

Prinublema ko kung paano makikita at makakausap si Carmina. Maging ang ilan sa mga kasamahan ko sa Toda ay nagsabi na hindi siya naisasakay ng mga ito. Sabi ng tricycle driver na panot, miminsan nitong naging pasahero si Carmina. “Nu’n lang araw na naikuwento ko na sa ‘yo.”

Si Arsenia. Maaaring makatulong sa akin ang dati naming kaklase ni Carmina. Alam ko ang kanilang bahay sa bandang Recto, ‘di-kalayuan mula sa palengke ng Divisoria. Kung hindi lumipat ng ibang tirahan ang pamilya ni Arsenia ay pihong madali kong matutunton.

Hindi ko ginamit ang aking traysikel sa paghahanap ng bahay nina Arsenia. Hindi pwede ang mga pampasaherong traysikel, lalo’t hindi doon nakarehistro ang linya. Sa paglalakad-lakad, napagtuunan ko ng pansin ang isang lumang bahay-residensi-yal. Gayung-gayon ang kina Arsenia. Pinagmukhang bago ito ng pintura at ilang renobasyon.

Kinatuk-katok ko ang gate na bakal. Nagtahulan ang mga aso sa loob ng bakuran ng bahay. Sa ungol at kahol, mahihinuhang mababangis at malalaking aso ang naroroong bantay-bahay ng amo. Sa ilan ko pang pagtuktok, may nagbukas ng pintuan sa ibaba ng dalawang palapag na tirahan.

Pamaya-maya pa, may sumilip na mukha sa maliit na butas ng gate na metal

“Sino po sila…” sabi sa akin ng tinig sa kabila ng nakapagitan na gate.

Nagpakilala ako sa pangalan at nakisuyo na kung maaari ay makausap ko si Arsenia. Sa pagkakaingay ng mga aso ay hindi ko alam kung narinig ako o hindi ng aking kausap. Pero kasunod ng pagkalampag ng bakal na pinto ay ang pagbubukas nito.

“Arsenia!” bigkas ko sa pagkasorpresa.

Humakbang palabas ng gate ang dati naming kaklase ni Carmina. Nakabestida. Sa ayos ay mukhang may mahalagang lakad.

Biglang sumagi sa isip ko: “Linggo nga pala ngayon.” Araw ng pagsamba sa sektang kinapapalooban ni Arsenia.

“Bakit?” tanong sa akin ni Arsenia.

“E,” kamot ko sa ulo.

“Problema ba?” ungkat ni Arsenia.

“”Problema ke Minay…’Di ko na alam ang gagawin.”

Napatitig sa mukha ko si Arsenia. Dumantay ang isang kamay niya sa balikat ko. Mandi’y dama niya ang paghihirap ng aking damdamin. Nagmistula akong isang musmos na nagpapakampi sa babaing kaharap.

Pahapyaw kong naikuwento kay Arsenia ang ilang bahagi ng aming kabataan ni Carmina. Pati ang panahon ng aming pagbibinata at pagdadalaga.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …