Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gloria Romero at Charo Santos, mas karapat-dapat na maging National Artist

ni Ed de Leon

HANGGANG ngayon, mayroon pa ring mga grupong nagpipilit na mag-deklara na ang presidente ng mga “national artist”, na iginigiit nilang matagal nang nakabinbin sa Malacanang at hindi ginagawan ng aksiyon.

Wala namang nagmamadali sa kahit na sino sa nominees na sinasabing nasa listahan, kundi isang grupo lang na nagkakampanya para sa isang nominee. Kaso nga ang nominee na iyon, si Nora Aunor, ang mukhang mas may problema. Hindi naman kasi natin maikakaila na marami rin ang tutol na gawin siyang national artist dahil sa kanyang naging karanasan sa US, na roon siya nahuli dahil sa isang kaso ng droga, isinailalim sa compulsory rehab at community service.

May mga nagsasabing dahil nga roon, mukhang nabahiran na siya at hindi na tamang tawaging national artist kahit na gaano man siya kagaling.

Kung kami ang tatanungin, iba naman iyang national artist title, iba rin namang usapan kung si Nora man ay nagkaroon ng kaso ng droga sa US. Hindi dapat paghaluin iyon eh, pero hindi mo nga rin maiaalis na mapag-usapan iyon.

Pero marami na ring desmayado riyan sa pamimili ng national artists, maging sa sistema ng kanilang selection. Hanggang ngayon hindi nila isinasama si Dolphy sa kanilang nominations dahil tinanggihan lamang siya ng ilan doon dahil sa kanyang roles na bakla sa pelikula. Kaya nga marami ang nagsasabi, ano ang nakadedesmaya, iyong lumabas na bakla sa pelikula o iyong may kaso sa droga?

Pero iyang national artist, award din naman iyan. Kagaya rin iyan ng award bilang best actor na napanalunan ni Vice Ganda. Palagay ng mga hurado panalo siya, panalo siya at wala na ngang makakakuwestiyon niyon. Bigay nila iyan eh, bahala sila. Ngayon, ang punto at magiging katanggap-tanggap ba iyon sa publiko? Iyon ang problema nila.

May mga nagsasabi pa nga, siguro ang mga kagaya nina Gloria Romero o Charo Santos ang dapat na maideklarang national artist. Malinis ang kanilang image at talagang may nagawa para sa sining ng pelikula at telebisyon. Wala pang questions kung kagaya sana nila ang nominated. Wala kasing masamang character eh. Kaso hindi naman sila considered sa ngayon.

Kung ganyan lang kagulo, mabuti pa nga kalimutan na lang iyang national artist na iyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …