Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julius, Kendru, at Ivan, tiyak na mambubulaga sa showbiz

PINASOK na ng Viva Recording artist na si Joel Mendoza ang pagma-manage. Nagtayo siya ng talent agency na Life&Soul Productions and Artists Management. Siya ang tumatayong Senior Vice President (SVP) for Business Development and Artists Management. Katulong niya ang Star Horizon Management & Productions ni Ms. Eleonor Pisk na commercial naman ang forte.

Hindi naman na kailangang gawin ni Joel ang mag-alaga ng artista dahil may sarili siyang career pero gusto niyang makatulong sa mga talentadong tao na makagawa ng pangalan sa entertainment world.

Ipinakilala ni Joel ang ilan sa talents niya sa The Crowd Restobar, 2nd floor, Madison Square, Pioneer St., Mandaluyong na sina Julius Concepcion, Kendru Garcia, Ivan Mendoza, at WCOPA champion na si Beverly Caimen.

Si Julius ay dating child star sa pangalang Julijo Pisk. Kilala siya na ‘Commercial Prince’ of the new generation. Naging 3rd runner up sa Star Circle Kid Quest 2010 at nakilala rin sa PLDT Commercial na  Anna Banana na naka-4 million hits sa Youtube. Binata na ngayon si Julius na gumanap bilang young Gerald Anderson sa My Girl at saMMK episode na Tourette. Naging young Matteo Guidicelli rin siya sa pelikulangBasted.

Si Kendru naman ay pamangkin ni Joel. Lumaki at nagka-isip sa Saipan. Nagmana siya kay Joel sa larangan ng pagkanta kaya napabilang sa isang boy band sa Saipan. Pang-matinee idol din ang hitsura ni Kendru. Lumabas na siya sa ilang TV shows ng TV5 gaya ng Midnight DJ,  Moo Moo and Me, at TV5 Tiger game show. Abala siya ngayon sa workshop para lalong mahasa sa pag-arte.

Si Ivan naman ay isang Lasalista. Hinawakan siya ni Joel dahil Filipino ang hitsura, parang Richard Gomez na moreno at posibleng maging leading man balang araw.

Goodluck sa bagong mundong pinasok ni Joel at sana magtagumpay ang mga talent niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …