Saturday , November 23 2024

Text scammer pa kinasuhan ng Globe (Marami pa ang kasunod …)

KAUGNAY sa kanilang pinaigting na kampanya laban sa text spam, isa pang kom-panya ang kinasuhan ng Globe Telecom sa National Telecommunications dahil sa pagpapadala ng unsolicited promotional text messages sa mga mobile customers nito.

Ayon sa Globe, magsasampa pa sila ng katulad na kaso sa mga darating na araw laban sa mga kom-panyang sangkot sa  marketing activities sa pamamagitan ng text spamming.

Ang kinasuhan sa NTC ay ang Center for Global Best Practices (CGBP), isang kompanya na nag-aalok ng iba’t ibang training at seminar courses. Ang CGBP ang ikalawang kompanya na inireklamo ng Globe  sa NTC na ang una ay ang Caritas Health Shield, Inc., a health insurance provider.

Partikular na hiniling ng Globe sa regulatory body na pagbayarin ang CGBP ng kaukulang multa at penalties dahil sa pagpapadala ng nakaiiritang text spam sa Globe subscribers.

Hiniling din ng Globe sa NTC na permanenteng bawalan ang CGBP, ang mga ahente at empleyado na magpadala ng spam texts sa Globe customers. Habang dinidinig ang kaso, sinabi ng Globe na dapat magpalabas ng cease and desist order ang NTC laban sa CGBP.

“The complaint we filed against CGBP should serve as a warning to other companies whose agents send irritating spam messages to our customers. Globe Telecom will not tolerate the use of our network for activities that serve as a nuisance to our subscribers especially if they are unsolicited and unwanted,” diin ni Globe Ge-neral Counsel Froilan Castelo stressed.

Ayon kay Castelo, ang mga nakaiiritang spam messages na ipinadala ng CGBP ay nagdudulot ng ‘inconvenience’ sa Globe customers, dahilan upang magreklamo sila sa customer service department ng kompanya.

Ito ang nag-udyok sa telecommunications provi-der upang idulog ang isyu sa NTC.

Dagdag ni Castelo, ang panawagan ng publiko na sugpuin ang spam messa-ges ay isa nang public inte-rest na nangangailangan ng pag-aksiyon at paggamit ng lahat ng disciplinary powers ng regulatory body.

Maraming subscribers ang nagrereklamo na nakatatanggap sila ng average na lima (5) hanggang sampung (10) text spams kada araw. Ang spam messages ay kadalasang ipinadadala sa pamamagitan ng prepaid numbers dahil hindi sila ma-tutunton at madaling itapon. Hindi rin kailangan  ng mga spammer upang magpadala ng spam messages dahil ang ginagamit nila ay  USB GSM modems at pabago-bago ag kanilang spam number.

Ang lehitimong  text blasts na aprubado ng regulating agency ay hindi nagtataglay ng 11-digit numbers.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *