ni Nonie V. Nicasio
HAPPY si Ruffa Gutierrez na makatrabaho sina Coco Martin at Sarah Geronimo sa pelikulang Maybe This Time. Gumanap siya rito bilang girlfriend ni Coco at boss naman ni Sarah.
Nang ialok daw sa kanya ang pelikulang ito na mula sa direksiyon ni Jerry Lopez Sineneng ay pumayag agad si Ruffa. “Nang ini-offer nga sa akin ito, I asked, ‘Sino ang kasama ko,’ at nang sinabi na Coco and Sarah raw, game agad ako. Siyempre, hindi na ako magrereklamo.”
Nilinaw din ng magandang aktres na hindi siya kontrabida sa pelikulang ito.
“Hindi naman ako kontrabida rito. You know, I have a very strong character dito. I have a very fierce character, so if you watch the movie ay malalaman mo that mabait din ako rito. Iyon lang scene na nakita ninyo na nagtataray ako, pero mayroon namang mga scenes na mabait ako,” nakangiting esplika niya.
Ukol sa pagtataray niya kay Sarah sa ilang eksena sa pelikula, hindi ba siya nag-aalalang magalit sa kanya ang fans ng singer/actress?
“Hindi naman, matatalino naman ‘yung mga fans. Kumbaga, binibiro ko lang sila dahil alam naman nila para sa pelikula lang ‘yun at sa totoong buhay ay mahal na mahal ko naman si Sarah.
“So, niloloko ko lang sila nang sinabi kong, ‘Naku, huwag ninyo ako babatuhin ng kamatis, huh.’ Kasi nga grabe iyong mga dialogue ko kay Sarah doon sa pelikula. So, niloloko ko lang sila, pero alam naman ng mga Popsters (grupo ng fans ni Sarah) na it’s just a role that I’m playing.”
Ano ang sikreto niya at hanggang ngayon ay in-demand pa rin siya, samantalang ang ilang contemporaries niya ay wala nang career? “Wala, I’m just being myself. Siguro aside from working hard, there’s no other secret formula,” wika niya.
“Pinaka-importante rin si-guro ‘yung nakikisama ka sa ibang tao, nakikisama ka sa mga kasamahan mo that they enjoy working with you. Kasi, hindi ko naman masasabi na ako iyong pinaka-talented or ako ‘yung pinakasikat, ako ‘yung pinakamaganda… But if people love you, if people love working with you and they enjoy your company, they will get you cause, you’re easy to work with,” dagdag pa ni Ruffa.
Incidentally, nga-yong araw (May 28) na ang start ng showing ng Maybe This Time sa 157 theaters! Graded-B rin ang pelikulang ito ng Cinema Evaluation Board (CEB). Bukod kina Sarah, Coco at Ruffa,, tampok din dito sina Ogie Diaz, Dennis Padilla, Buboy Garovillo, Shamaine Buencamino, Tony Mabesa, Devon Seron, at iba pa.
LARA LISONDRA, SINGING PINAY TEENSTAR NG SAUDI ARABIA
NASA bansa ngayon si Lara Lisondra, ang Singing Pinay Teenstar ng Riyadh, Saudi Arabia para pasukin ang ating entertainment industry. Dala ni Lara ang kanyang unang self-titled CD album na gawa sa Riyadh para ma-distribute sa local market. Naglalaman ito ng limang cuts, tatlong original composition, at dalawang co-ver. Plus mayroon pang minus one, ito ay under Geneom Records.
Ipinanganak at lumaki sa Riyadh si Lara na ang buong pangalan ay Lara Mikaella Diza Lisondra, pero nanatili pa rin sa puso ang pagiging Pinay. Third year high school siya ngayon sa Al Danah International School and at 14, nasalihan na niya ang lahat ng mga singing contest sa nasabing lugar at pinalad naman manalo. Ang kanyang manager sa Saudi na si Gene Juanich ang unang nakapansin sa kanyang potensyal bilang mang-aawit kaya isinabak siya sa voice lessons at tinuruan ng technique sa pagkanta.
Sa ngayon, may mga taong kausap na sila para sa guesting ni Lara sa radio at TV. Katunayan, naka-line-up na siya sa set ni katotong Alex Datu na tinaguriang The Singing Reporter at The Crowd Restobar sa Pioneer ngayong June 3 at June 17 at sa mall show na Sama-Sama, Salo-Salo heard overDWBL 1242 AM Band with live streaming www.DWBL-1424am.com.
Umaasa si Lara na maka-kukuha na rin ng recording company na magdi-distribute ng kanyang album para mabili na sa record bar ang kanyang Simply Lara CD album nationwide. Good luck sa iyo Lara.