ni Peter Ledesma
Smooth at maganda ang vibes ng pelikula nina Coco Martin at Sarah Geronimo na “Maybe This Time.” Kaya nangangamoy blockbuster ang nasabing big romantic film nina COSA (Coco at Sarah). Isang pruweba na marami ang su-suporta sa latest film ng da-lawa ang karagdagang sinehan na pagtatanghalan nito from 137 ay mapapanood na sa 157 Ci-nemas nationwide. Ibig sabihin kulang ang lista-han ng mga orihinal na sinehan para ma-accomodate ang lahat ng mga manonood na kinabibilangan ng mga Popsters ni Sarah at Cocolovers ni Coco at iba pang fans club. ‘Yung kanilang premiere night nga na ginanap last Tuesday, sa SM Megamall Cinema 7 & 8 ay parehong puno ang sinehan ganyan karami ang fans ng COSA. Saka si Sarah ilang beses nang pinatunayan na kahit sino pa ang leading man niya sa movie ay talagang tumatabo sa takilya. Well sa ganda ng materyal at istorya ng film nila ni Coco na hatid ng Star Cinema at Viva Films ay siguradong magi-ging byword ito sa lahat. By the way, masaya ang buong team ng Star Cinema dahil nakakuha ng Graded B ang Maybe This Time sa Cinema Evaluation Board samantala rated PG naman sa MTRCB na ang ibig sabihin welcome ang lahat ng mga bata na panoorin ito basta may kasamang magulang o mas nakatatanda sa kanila. Ang wish pala ng supporters ng dalawa, sana magkaroon rin ng sequel ang Maybe This Time o maulit uli ang pagtatambal nina Coco at Sarah. Why not naman gyud!Check Also
Gov Vilma na-miss ng mga taga-Lipa; Alex at Mikee sinusubukan pa ring makabuo ng baby
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SAYANG at hindi nakadalo ng misa sa San Sebastian Cathedral sa …
Liza Soberano nag-iingay na naman
PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …
Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK
PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …
Richard at Barbie package deal?
PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …
Newbie actor sinalubong ng malaking project
MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com