Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Napoles ‘bumango’ sa publiko (PNoy duda na rin…)

MAGING si Pangulong Benigno Aquino III ay nalilito na rin kung bakit tila pinaniniwalaan na ang lahat ng sabihin ngayon ni pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles na dati-rati’y kinamumuhian ng publiko.

“Dati parang kinamumuhian si Mrs. Napoles. Ngayon, ‘pag nagsalita ka parang totoong-totoo ang sinasabi, paano kaya nangyari iyon?” anang Pangulo kahapon.

Duda ng Pangulo, may mga personalidad na nagsususi kay Napoles para guluhin ang isyu upang tumagal ang proseso sa paghahanap ng katotohanan na pabor sa pork barrel scam queen.

Sinabi ng Punong Ehekutibo, ang taktikang ginagamit ni Napoles ay pabahuin ang lahat dahil hindi na niya kayang pabanguhin ang sarili, at i-delay ang imbestigasyon kaya maging sina Budget Secretary Florencio Abad at Agriculture Secretary Proceso Alcala ay laging kasama sa mga lumabas na Napoles list.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Dennis Roldan Paolo Gumabao Spring In Prague

Dennis pangarap sa anak na si Paolo para magbida natupad

RATED Rni Rommel Gonzales NATUPAD ang pangarap ni Dennis Roldan para sa anak na si Paolo Gumabao. Kapag …

Ping Lacson Martin Romualdez

Lacson: ‘hindi enough’ testimonya ng mga saksi laban kay Romualdez

AMINADO mismo si Senator Panfilo “Ping” Lacson na hindi sapat ang testimonya ng mga saksi …