Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Utak ng criminal syndicate sa Antipolo, “kakanta na”

Handa nang kumanta ang sinasabing utak ng land grabbing syndicate sa Cogeo, Antipolo City upang kilalanin kung sino-sino ang mga retiradong opisyal ng pulisya ang nagbibigay sa kanya ng proteksiyon pati sa kanyang pagbebenta ng ilegal na droga sa lungsod.

Ayon sa opisyal ng Pagrai Homeowners Association & Alliance na si Joel Abelende, nagtatago ngayon si dating major Romulo Manzanas matapos lumabas ang ulat na mayroon “drug diagram” na kinilala ang lahat ng sangkot sa ino-o-operate niyang land grabbing, drug trafficking, prostitution at gun-for-hire syndicate.

“Nagtatago ngayon si Manzanas dahil maraming residente na nabuwag ang bahay nitong Mayo 8 sa Pagrai Hills ang nagalit sa paniniwalang siya ang may-ari ng lupa sa nasabing lugar,” ani Abelende. “Ang laki ng ibinabayad nila kay Manzanas, ‘yun pala NHA ang may-ari ng lupa.”

Kinumpirma ni dating Col. Jan Allan Marcelino na nakipag-ugnayan na sa grupo nilang Lakap Bayan si Manzanas at handang ibigay ang “drug diagram” na sumasaklaw sa buong Rizal at Marikina at pinamumunuan ng isang retiradong heneral.

“Batid namin na nagtatago lang siya ngayon sa Binangonan (Rizal), kung minsan nasa Project 4 (Quezon City) pero may feeler na siya na ipadadala sa amin ang drug diagram,” ani Marcelino. “Kikilalanin din niya ang mga politikong nagbibigay sa kanya ng protection kaya untouchable ang kanyang sindikato.”

Sapin-sapin ang mga kaso ni Manzanas tulad ng grave coercion sa Antipolo at inireklamo rin siya ni dating First Gentleman Mike Arroyo sa kanyang criminal activities tulad ng pagmamantine ng hired killers na pumaslang sa mga pangulo ng ibang homeowners associations at pagtitingi ng shabu sa mga stallholders sa Cogeo. HNT

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …