Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ramos, Barranda kaskasan sa Toyota Vios Cup

NAGING  kaskasera ang dalawang naggagandahang artista sa ginanap na  2014 Toyota Vios Cup sa Clark International Speedway nitong  Mayo 24 (Sabado).

Hindi lang ang kanilang ganda ang ipinarada  nina actress Rhian Ramos at model-TV host Phoemela Barranda sa opening ng three-leg competition, ipapakita rin nila ang pagiging kaskasera nila sa road laban sa mga kalalakihan.

“Hindi ako nagpapatakbo ng matulin sa EDSA pero sa competition eh umaabot sa 170kph ang bilis.” wika ni Ramos sa naganap na PSA Forum sa Shakey’s Malate noong Martes.

Bukod sa kotse may P150,000 cash ang premyo sa centerpiece kung saan ang mananalo ay maaaring maging pambato sa karera sa Japan o Thailand habang may gantimpala rin sa lalahukan nina Ramos at Barranda.

May tatlo pang kasali sa celebrity-media category.

“We’re finalizing with our counterparts in other Asian countries for the winner of the race to have a chance to drive in the Toyota Vios Cup in other countries maybe later this year,” ani Tuason Racing School manager Billy Billano.

Ayon kay Barranda na siyam na taon nang nakikipagkarera, walang lalaki o babae pagdating sa karera.

“I really like racing. I’ve competed in other celebrity races before because I wanted to show that this sport is not just for the guys,” sambit ni Barranda na namayagpag sa promotional race noong Enero kung saan kasali rin si Ramos. “Once you’re inside the race track, walang babae at walang lalaki na.” (ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …