Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pokwang, natupad na ang pangarap na magka-BF na Amerikano

ni Letty G. Celi

NATUPAD na rin ni Pokwang na magka-boyfriend ng Amerikano?

Sabagay, magkakilala pa lang sila, ‘ika nga ”Knowing each other.”

Sus, ganoon na rin ‘yun. Mauuwi rin sa lab, lab, lab dahil matagal ng loveless ang dakilang ina.

Pero sabi niya, kung sino ang maunang dumating at makilala, ‘yun na!

So, ito na yata ‘yung tinutukoy niya! At saka type niya talaga ay Kano, naka-Pinoy na siya at Hapon na ama ng kanyang only daughter na napaka-Japanese doll.

So, ‘pag nakita niyo in person si Pokie, ibang-iba, ang ganda niya ang mga mata, may spark na para bagang kumikislap. In English, sabi nga, ”the eyes of a woman in love.”

Bule!

NAPOLES, IPAGDARASAL KO PA RIN

SIKAT na sikat at imposibleng hindi kilala ng lahat si Madam Napoles, na ang daming nasangkot na mga politiko dahil sa scam na ginawa niya na pinagkamalan kuno ng malaking halaga ng salapi.

Sarap maging madatung ‘di katulad sa mahihirap na isang kahig isang tuka. Kaya lang, maraming nasangkot, at sa original na scam, may nadagdag pa at kuno may pirma ni Miss Napoles. Pero sa maniwala ka’t sa hindi, posible na may mga ahente na tauhan ang lumapit sa kung sino-sinong politician, may pangalan man o wala at inalok ng tipong inilalakong merchandize, pero hindi tinanggap ang alok at kondisyon ng bayaran at kaltasan ng komisyon.

‘Ika nga ay nagback-out. Pero naka-record na ang mga taong ito na assuming kuno na sila ay pumayag at client na ni Ms. Napoles. Pero, ang totoo, no transaction, rejected. Well, hindi po ako ang may idea o nakaisip nito, kuwento lamang ito ng isang tricycle driver na nagpahinga at naghihintay ng pasahero sa tapat ng tindahan. Kasi raw wala silang pasahero, wala silang pang-boundary at pambigas kaya naman inggit sila kay Madam Napoles.

Pero ako naman, ala akong datung at raket tapos may sakit pa, pero naaawa ako kay Madam Napoles. Ipagdarasal ko pa rin ang recovery niya, fast healing, less pain sa taglay na sakit.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …