Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aus$800 natangay ng ‘Ativan Gang’ sa Columbian national

Natangay ang Aus-$800 ng isang Columbian na isa rin volunteer, matapos mabiktima ng mga pinaniniwalaang miyembro ng Ativan gang, sa Quiapo, Maynila.

Nagtungo sa tanggapan ng Manila Police District – General Assignment (MPD GAS) ang biktimang si  Viviana Ruiz Gomez, 36, Tacloban volunteer, nanunuluyan sa 5663 Don Pedro St., Poblacion, Makati para ireklamo ang ginawa sa kanya ng tatlong suspek.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jay Jacob ng MPD-GAS, naganap ang insidente noong Mayo 20, nang makipagkilala sa  kanya ang  suspek na  nagpakilalang “Helena.”

“Niyaya nila ang victim na mamasyal sa Avenida, naglakad-lakad sila roon at sa Quiapo, pagdating sa  Quiapo pumasok daw sila sa isang maliit na restaurant ang natatandaang pangalan ng biktima ay  Marvera Restaurant, pinakain siya at pinainom ng beer,” ayon kay Jacob.

Ilang sandali pa, nahilo ang biktima, dakong 2:30 a.m. nang mahimasmasan kinabukasan pero wala na ang kanyang mga gamit. Natangay na rin ang kanyang ATM at nai-withdraw ang Aus$800.

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …