Nagbigti ang 15-anyos binatilyo nang mabigo sa pag-ibig sa kanyang nililigawang 12-anyos dalagita, sa barangay Buduan, Burgos, Ilocos Norte.
Nakabigti pa nang natagpuan ang biktimang si Jomel Avila nang matagpuan ng mga kaanak at kaibigan.
Nabatid na dumating sa bahay si Avila na umiiyak dahil umano binasted ng nililigawan.
Nagkulong siya sa kuwarto at makalipas ang ilang oras ay lumabas pero hindi namalayan kung saan nagpunta hanggang matagpuan na nakabigti sa isang bakanteng bahay sa ‘di kalayuan sa kanila.
(Beth Julian)