Wednesday , May 1 2024

Holdaper utas sa enkwentro

052514 QC dead
Nakabulagta sa gilid ng bangketa ang isa sa dalawang riding in tandem robbery group nang maka-enkwentro ang mga tauhan ng QCPD-Stn.6 sa Kagawad St., Area C, Brgy. Batasan Hills, QC. (ALEX MENDOZA)

PATAY ang isa sa dalawang hinihinalang holdaper nang makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa Baranngay Batasan ng lungsod, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat kay Supt. Eleazar Matta, hepe ng QCPD Batasan Police Station 6, patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan sa napatay na holdaper.

Sa ulat, hinoldap ng dalawang suspek si Melinda Librado, 50, ng Quezon City.

Dakong 9 p.m. nag-aabang ng masasakyan si Librado sa Litex Road, Barangay Batasan nang huminto sa tabi niya ang isang motorsiklo lulan ang dalawang holdaper na agad siyang tinutukan ng baril saka kinuha ang dalang bag bago tuluyang tumakas.

Ipinagbigay-alam ni Librado ang insidente sa nagpapatrolyang mobile car ng Station 6 kaya agad nahabol ang mga suspek.

Namataan ng mga pulis ang dalawang holdaper na kanilang nakorner sa Kagawad St., pero imbes sumuko, pinaputukan ang mga operatiba.

Dahil dito, gumanti ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng isa sa suspek pero nakatakas ang isa pa.

Nakuha mula sa bumulagtang suspek ang kalibre .45 baril at ang bag na positibong kinilala ng hinoldap na ginang. Walang nakitang pagka-kakilanlan sa napatay na suspek.

(Almar Danguilan)

About Almar Danguilan

Check Also

Krystall Herbal Soaking Powder Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Makapal na bungang-araw ng kasambahay tanggal sa Krystall Soak Powder at Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          ‘Ika nga, …

PHil pinas China

Imbestigasyon sa mga Chinese sa mga base ng AFP-US
NATIONAL SECURITY, ‘DI  MARITES LALONG  ‘DI RACISM – SOLON

IDINEPENSA ng isang mataas ng opisyal ng Kamara de Representantes ang tangkang pag-iimbestiga ng lehislatura …

Nancy Binay Street Foods

Dapat i-level up – Binay
PINOY STREET FOOD IBIDA SA TURISMO

NANINIWALA si Senadora Nancy Binay na malaking tulong ang mga Filipino food partikular ang street …

042924 Hataw Frontpage

Sa reklamo ng kani-kanilang asawang kapwa pulis  
ILLICIT AFFAIR, DYUGDYUGAN NG 2 PARAK SA LOOB NG TSEKOT IPINABUBUSISI

ni BOY PALATINO LAGUNA – Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Rommel …

SM Foundation agri Feat

New knowledge, new tomorrow in agriculture
More than 90 farmers in Davao, Cebu complete SM Foundation’s modern agri-training

KSK graduates from Brgy. Nueva Fuerza, Tagum City The SM Foundation continues its mission of …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *