Good afternoon po Señor H.,
Tawagin niyo na lang po akong Taurus. Nanaginip po ako na yung ref namin ay pinipinturahan ko ng kulay pula sa harap at sa gilid naman ay kulay pink. Pero sa totoong buhay, silver ang kulay ng aming ref. Maraming salamat po and please don’t publish my number.
To Taurus,
Kapag nakakita ng refrigerator sa iyong panaginip, ito ay nagre-represent ng ukol sa iyong chilling personality and/or cold emotions. Maaa-ring nagsasabi rin ito sa iyo na kailangan mong maglaan ng plano, pakay o kaya naman ay pag-isipan ang gagawing aksiyon sa isang mahalagang bagay. Alternatively, ang refrigerator ay nagsasaad na nagawa mo ang isang bagay na hinahangad mo subconsciously. Kung sa panaginip mo naman ay nasira ang ref, maaaring nagsa-suggest ito na kailangan mong mag-warm-up to somebody or some situation. Panahon na para pakawalan ang mga harsh at cold feelings. Sa kabilang banda, isipin kung bakit sumagi sa bungang-tulog mo ang inyong ref. Dahil ba ito sa madalas mong gamitin ang inyong ref ngayon dahil sa init ng panahon o dahil nagkaroon ng isyu na may kinalaman sa inyong ref?
Kapag naman nakakita ng pintura sa panaginip, ito ay sumisimbolo sa expression of your inner emotions. Ikonsidera ang koneksiyon sa pagkatao mo ng mga kulay na nakita at kung ano ang naramdaman mo sa mga kulay na ito, lalo na ang damdaming kailangan mong mai-express sa estadong ikaw ay gising. Maaaring nagsa-suggest din ito na kailangang magkaroon ng kaunting variety sa iyong buhay.
Ang kulay pula ay indikasyon ng raw energy, force, vigor, intense passion, aggression, power, courage, at impulsiveness. Ito ay may kaugnayan din ukol sa malalim na emotional at spiritual na mga bagay. Alternatively, maaari rin naman na nagsasaad ito ng kakulangan ng energy at ikaw ay nakadarama ng pagkapagod. Ito ay maaaring may kaugnayan din sa danger, violence, blood, shame, rejection, sexual impulses, at urges. Kaya nagsasaad ito na dapat maghinay-hinay at pag-isipan munang mabuti ang bawat aksiyon na gagawin. Ang pink naman ay nagre-represent ng love, joy, sweetness, happiness, affection, at kindness. Alternatively, ang ganitong kulay ay maaaring nagsasaad ng immaturity o weakness, lalo na pagdating sa love.
Señor H.