Friday , November 22 2024

Hero cat ‘naghagis’ ng first pitch sa baseball game

ANG pusa na tinaguriang bayani makaraan sagipin ang isang batang lalaki mula sa atake ng asong ulol sa California, ang “naghagis” ng first pitch sa baseball game.

Ang matapang na pusang si Tara ay naging YouTube sensation makaraan labanan ang aso na nagtangkang lapain ang 4-anyos na si Jeremy Triantafilo habang sakay ng kanyang bisekleta.

Ang video clip ng pagsagip ng pusa ay napanood na nang mahigit 20 million beses.

Ang pagtatangka ng pusa na ihagis ang baseball, na hinila sa pamamagitan ng fishing wire para magbigay ng ilusyon na ito ay humagis, ay hindi naging matagumpay.

Gayunman, marami ang nagtungo sa Bakersfield Blaze’s stadium upang makita ang nasabing pusa.

Ayon sa team, ang mga dumalo para sa Lancaster Jethawks game ay halos triple ang dami kaysa karaniwang Tuesday night fixture.

Sinabi ng ina ni Jeremy na si Erica, nagpresenta kay Tara sa mga manonood kasama ang mister niyang si Roger, “Being the mother, every time I watch (the video) it stops my heart for a moment.

“Things could have been much worse without her. We’re just so thankful.” (ORANGE QUIRKY NEWS)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *