Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Daigdig ng mga Engkanto (Part 1)

NATATARANTA SI JOAN DAHIL SABAY UMIIYAK ANG DALAWA NIYANG ANAK KASABAY NG ALULONG NG ASO

 ni Rey Atalia

Madilim ang kalangitan. Ang buwan ay nalalambungan ng makapal na itim na ulap.

Laganap na ang dilim sa kalupaan. Matindi ang singaw ng init. Maalinsangan sa lahat ng dako ng kapaligiran.

Balisa ang mga aso sa sambahayan ng mga magkakapitbahay. Maya’t maya ang halos sabay-sabay na alulong ng mga ito. Mistulang nananaghoy.

Sa loob ng isang lumang bahay-Kastila, ang alagang pusa nina Joan ay pabalik-balik na nagtatatakbo sa kanilang sala at kusina. Nangangalisag ang mga balahibo sa walang-tigil na pagngiyaw. Pamaya-maya ay bigla na lamang itong lumundag sa bintana palabas ng kanilang bahay. Wari’y may kung anong bagay na kinatatakutan.

Alas-dose na ng gabi. Hindi pa rin mapatahan ni Joan ang sanggol na anak na magda-dalawang buwang gulang. Na kapag inilapag niya sa kamang higaan ay lalong lumalakas ang matinis na boses sa pag-uha. Pero sa sandaling ipaghele-hele niya ay payapa naman itong nahihimbing sa kanyang mga bisig.

Dagdag pabigat sa kalooban ni Joan ang walang tigil na pag-iyak din ng kanyang panganay na anak na si Roby na noo’y maglilimang taong gulang. Nakakulubong ito ng kumot sa isang panig ng kama at sigaw nang sigaw ng “Mommy, may monster!”

Buti na lang at dumating ang Ate Mags ni Joan.

“Ano ba’ng nangyayari kay Roby, ha?. Kanina pa nakukulili ang tenga ko sa kaiiyak niya,” anito sa pagpasok ng silid-tulugan ng mag-iina.

“Hay, Ate, sabay pang nagngangawaan ang dalawang anak ko,” reklamo ni Joan sa nakatatandang kapatid.

Kusa nang kinuha kay Joan ng kanyang Ate Mags ang sanggol na kanyang isinasayaw-sayaw at kinakanta-kantahan. Agad niyang nilapitan ang batang si Roby na lalong naging palahaw ang pag-iyak.

Laking gulat ni Joan nang damhin niya ang noo ni Roby na tinanggalan niya ng kumot sa buong katawan.

“D-Diyos ko!” naibulalas niya. “I-inaapoy ng lagnat ang anak ko, Ate.” (Itutuloy)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …