Wednesday , November 6 2024

Kargador noon milyonaryo ngayon (Dahil sa Vista Land)

052314 villar vista land winner

INIABOT ni dating Senate President at kasalukuyang Vista Land Chairman Manuel “Manny” Villar ang gintong susi, simbolo ng makintab na Mercedes Benz E Series kay Camella top broker Nilo Omillo (ikatlo mula kaliwa) bilang pagkilala sa kanyang “work ethic, commitment to excellence and passion to serve.” Si Omillo, dating kargador at janitor (ilan lang sa naging trabaho niya), ay naging multi-millionaire dahil sa pagbebenta ng real estate properties ng Vista Land.

TUMANGGAP ng mamahaling sasakyan si Nilo Omillo, 22 taon nang real estate broker ng Vista Land.

Sa nakaraang awarding ceremony para sa natatanging mga empleyado ng kompanya, personal na ibinigay ni Vista Land Chairman and former Senate President Manny Villar kay Omillo ang susi ng sleek Mercedes Benz E Series.

Para sa isang tao na dating naglilinis lamang ng mga palikuran at nagmamasa ng harina sa panaderya, ang pagtanggap ng nasabing pabuya, sa kasalukuyan ay payak pa rin ang pamumuhay, maituturing na “personal milestone” para sa kanya.

“The car is a symbol of Nilo’s work ethic, commitment to excellence and passion to serve,” pahayag ni Senator Villar. “These traits provide a benchmark to all employees of Vista Land. Whoever they are, where ever they come from, they too can reach Nilo’s success as long as they are willing to apply the twin virtues of hard work and determination—Sipag at Tiyaga—in reaching for their dreams. Nilo, along with the other tireless and devoted brokers of Vista Land, has helped the company uphold its vision of fulfilling every Filipino family’s dream of owning a home and uplifting the Filipino quality of life.”

Ang Mercedes Benz ay isa lamang sa maraming pabuya na ipinagkaloob ng Vista Land, ang largest homebuilder ng bansa, nagbibigay sa kanilang sellers at brokers, bukod sa above-industry commissions, ng pay packages, ang kompanya ay kilala rin sa pagiging matulungin.

Sa kabilang dako, ang non-monetary incentives, ay kinabibilangan ng training and workshop, marketing support, local and international travels gayundin ang iba’t ibang mga aktibidad na inoorganisa ng Vista Land sa kanilang mga broker.

Sa mahigit dalawang dekada niya sa serbisyo, si Nilo ay nakatira na sa malaking bahay, nakaipon nang sapat na pera para sa kanyang pagreretiro, at nakabiyahe sa iba’t ibang lugar sa bansa at ibayong dagat, napag-aral ang mga anak sa magandang paaralan at nakapagpatayo ng sariling gusali para sa kanyang personal na negosyo.

Bukod dito, tumanggap si Nilo ng Toyota Innova para sa kada taon na siya ang number one broker sa Camella South. Siya ang humawak ng nasabing pagkilala sa loob ng 15 taon.

Mula sa kanyang pagtitiis sa pagsakay sa mga pampublikong sasakyan, (maaaring naglakad pa nang malayo), siya ay mayroon nang 15 Innova units, bukod pa rito ang limang iba pang luxury cars at Mercedes Benz na ibinigay sa kanya ni Senator Villar.

Bagama’t maaaring isipin ng iba na si Nilo ay kombinasyon ng “unique, super-human characteristics” para matamo ang tagumpay na ito, ito ay kabaligran.

Nang dumating si Nilo sa Manila mula sa Leyte (siya ay dating fish vendor) sa gulang na 17-anyos, hindi niya batid kung paano magssimula. Sa kanyang payak na edukasyon, siya ay naging

tricycle driver, astevedore, baker at janitor. Sa puntong siya ay susuko na, nilapitan siya ng isang kaibigan at tinanong kung maaari siyang maging real estate broker ng Camella. Agad niyang tinanggap ang alok bagama’t maliit lamang ang kanyang kaalaman kaugnay sa nasabing trabaho.

“The management of Vista Land equips sellers with the necessary training skills so they can effectively sell the units,” aniya. “They will not leave you on your own. They will make you attend regular seminars to turn you into a good seller. Camella, during that time, was actively conducting sales activities and opening subdivisions. So I just held on.”

About hataw tabloid

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *