Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

UCPB board ‘dean’s list’ sa gastos (Sinsangsang ng Napoles list)

052214_FRONT

BAGO pa man umalingasaw ang baho ng Napoles list, Benhur List, Lacson List at Cam List, nagsimula nang humaba ang listahan ng Kamkam list na naglilitanya ng mga katiwalian sa isang institusyong pinapatakbo ng mga taong itinalaga ng gobyerno, ayon sa isang anti-graft watchdog.

Mariing hinihiling ngayon ng National Coalition of Filipino Consumers (NCFC), sa pamamagitan ng abogadong si Atty. Oliver San Antonio, sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) na busisiin ang tinatawag ng nasabing abogado na nagtapos sa UP na “the Dean’s List.”

Ito umano ang listahan ng mga kasong hinahawakan ng law firm na itinatag at pagmamay-ari ng isang kasapi ng board of directors United Coconut Planters Bank (UCPB) na kabilang sa mga kompanyang ini-sequester ng gobyerno, si Atty. Nilo Divina, Dean ng University of Santo Tomas Faculty of Law.

“Lumalabas ngayon na si Dean Divina ay lubos na biniyayaan ng mga kasamahan sa UCPB board. Ang Dean’s list ay kinapapalooban ng bilyon-bilyong halaga ng mga kaso ng UCPB laban sa PCGG, sampu ng iba pang mga kaso,” ayon kay San Antonio, na ngayon ay nananawagan sa PCGG na imbestigahan ang pagtatalaga ng mga kaso.

Ayon sa dating legal ethics teacher ay posibleng “batbat ng conflict of interest,” dahil si Divina ay tumatanggap din ng sweldo bilang kasapi ng Board ng UCPB board. Bukod pa sa milyon-milyong legal fees bilang external counsel o abogado ng naturang banko.

Ang “Dean’s List,” ayon kay San Antonio, ay magpapakita kung magkano ang kinakamal ni Divina mula sa kanyang pagiging UCPB board director, mga kita na sa pahayag ng nasabing UP-trained lawyer na “legally defensible, pero ethically questionable.”

“Ilang kaso? Dalawa? Tatlo? O mas marami pa rito? E, ‘yung mga kaso ng mga kompanyang subsidiary ng UCPB? Magkano ang kinamal ng law firm nito habang siya ay nasa UCPB Board? Ito ang dapat malaman ng publiko,” dagdag ng abogado.

Isa sa mga kliyente na nasa website ng Divina Law website ay ang UCPB Savings Bank, na isang kompanya sa ilalim ng UCPB.

“Sa kapraningan ng publiko ngayon dahil sa kawalanghiyaang ibinandera ng pork barrel fund scam ni Janet Napoles, ang mga taong gobyerno ay dapat kumikilos ayon sa mas pinataas na batayan. Hindi lamang sila dapat malinis, dapat rin malinis sila sa mata ng publiko,” ayon sa dating Integrated Bar of the Philippines officer.

Ang pagkuha sa serbisyo ng law firm ni Divina bilang external counsel ay maaaring paraan upang iwasan ang mga limitasyong nakasaad sa batas hinggil sa kompensasyon ng mga itinalaga ng gobyerno sa mga sequestered na kompanya gaya ng UCPB.

“Sa ganang akin, dahil gobyerno ang may  kontrol sa UCPB sa pamamagitan ng PCGG, dapat ipataw ng pamahalaan ang mga alituntuning ipinapatupad nito sa mga GOCC, ayon kay San Antonio. (I would think that given that government has control of UCPB via the PCGG that the latter would apply the same principles the government applies in the management of GOCCs)

“Hindi dapat na lumalayo ang mga alituntuning ito sa GOCC Governance Act of 2011 na isinabatas upang tiyakin ang mga itinalaga ng gobyerno sa mga  government-owned and controlled corporations ay hindi magpapayaman sa katungkulan sa pamamagitan ng mga malahiganteng pasahod at benepisyo,” paliwanag ni San Antonio.

“Kung papalampasin ang gawaing ito sa UCPB, binibigyan na ngayon ng pahintulot ng PCGG ang iba pang mga GOCC board sa ganitong matiwaling kalakaran. Binigyan mo ng palusot. Ang abogado sa isang GOCC board pwedeng bigyan ng mga kaso ng board para madagdagan ang per diem nya ng legal fees. Kung walanghiya pa ang board, pwede pa silang humingi ng cut dun sa fees ng kapwa board member nila,” babala ng abogado.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …