Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Fil-Am na may boga nasakote sa NAIA (Nakalusot sa initial security check)

ARESTADO ang isang Filipino-American sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 nang madiskubre sa kanyang bagahe ang isang kalibre .22 na may limang bala, ayon sa Police Aviation Security Unit kahapon.

HInahabol ng Fil-Am na si Wilfredo Manahguit Varilla, 56, ang kanyang maagang flight sa Delta Airlines patungong Nagoya, Japan nang pigilan ng dalawang security personnel na sina Fidencio Vegara, Jr., at Josua Streit, nang lumitaw ang imahe ng baril sa X-ray scanner.

Si Varilla ay patungong Estados Unidos nang arestohin ng aviation police.

Batay sa salaysay ni Varilla sa pulisya, hindi siya makapaniwala kung paano nailagay ang baril sa loob ng kanyang green trolley bag.

Mariin niyang itinanggi na pag-aari niya ang baril at sinabi sa Aviation police na mula iyon sa kanyang kaibigan at ipinakita lamang sa kanya habang nagbabakasyon sa Bulacan.

Kasong illegal possession of firearm ang isinamapa ng pulisya laban sa kanya sa Pasay prosecutor’s office.

Samantala, magsasagawa ng sariling imbestigasyon ng Manila International Airport Authority (MIAA) tungkol sa insidente.

Ayon sa MIAA, magsasagawa sila ng review kung paano naipasok ni Varilla ang baril sa initial security check sa kabila ng X-ray security machines na nakalagay sa bawat gate ng departure ng NAIA terminal 1.

(GLORIA GALUNO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …