Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, sobra-sobra ang paggalang at paghanga kay nora (Kaya imposibleng siraan at pagsalitaan ng kung ano-ano)

ni Maricris Valdez Nicasio

NAKALULUNGKOT isipin na may mga taong kaligayahan na ang manira ng kapwa. Ito ang nangyayari ngayon kina Coco Martin at Nora Aunor. Ginawan sila ng intriga na kesyo ang aktor ang nagbabayad ng upa sa bahay nito at nagbabayad ng mga gastusin na siyang ipinagkakalat pa raw ng aktor.

Napaka-imposible namang balita ito. Unang-una, hindi gawain ng aktor na itsismis o siraan ang isang indibidwal lalo kung ganoon na lamang ang pagrespeto at paghanga niya. Ganito ang pagtingin ni Coco kay Ate Guy. Sobra-sobra niyang iginagalang ito. Nora Aunor is Nora Aunor pa rin! Superstar pa rin iyan! ‘ika nga!

Imposible ring si Coco ang magbayad ng renta sa bahay ng Superstar dahil ayon sa manager ni Coco na si Biboy Arboleda, bago nila simulan ang indie film na Padre De Familia, nakikipag-meeting sila kay Ate Guy sa condo nito somewhere in Libis. Kaya rito pa lang, makikitang okey naman ang katayuan ni Ate Guy at hindi nito kailangan ng sinuman para magbayad sa tinitirhan.

Pangalawa, sobrang busy ni Coco sa rami ng ginagawa. Halos nagkasabay-sabay ang pag -shoot noon ng Padre de Familia, taping ng Ikaw Lamang, at shooting ng Maybe This Time kasama si Sarah Geronimo pati ang ila pang commitments here and abroad .

Pangatlo, producer si Coco ng Padre de Familia at artista nila si Ate Guy. Common knowledge na ‘pag siniraan niya si Ate Guy, maaapektuhan ang kanilang pelikula. Eh, hindi naman basta-basta ang inilaang pera ni Coco para makapag-prodyus ng isang pelikula. Kahit sabihin pang indie film lamang iyan. Eh, ‘di parang nagsayang lang ng pera si Coco kung gagawin niya ang ganoong bagay, ‘di ba?! Haler!!!

Pang-apat, wala sa personalidad ni Coco ang manira ng kapwa. Sa tagal na naming kilala ang aktor, may mabuti siyang kalooban. Kung hindi ba naman, kahit nalaman niyang hindi niya pala anak ang ipinaaako sa kanya ni Katherine Luna noon, binigyan niya pa rin ito ng pera na makatutulong para gastusin ng bata bukod pa ang ibinigay niya rito noong hindi pa lumalabas sa DNA na hindi niya pala iyon anak.

Panglima, likas na matulungin si Coco. Marami na kaming naririnig at nakakausap na tinutulungan sila ng aktor (na ayaw nang magpabanggit ng pangalan). Kung hindi ba naman, agad niyang tinipon ang buong pamilya niya at pinagawan ng bahay.

Kaya sa mga naninira kay Coco at sumasali sa usapin, ‘wag nang palakihin pa. Alamin muna ang katotohanan at huwag agad humusga o manghusga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …