Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sheryn, inire-reklamo ng dating dyowang babae

ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI na aktibo bilang singer si Sheryn Regis pero usap-usapan ang umano’y pagkakaroon nito ng karelasyong babae. Totoo kaya ito? Kasunod nito’y ang pagrereklamo ng kanyang nakarelasyon na umano’y niloko niya matapos kuwartahan ay iniwan na lang?

Ayon sa isang very reliable source, isang Emy Madrigal ang umano’y naging dyowa ni Sheryn (bukod sa may asawa ito) na nagsimula ang relasyon nila noong 2005 pa. Mabait at mapagbigay daw si Emy kaya naman lahat daw ng luho ni Sheryn ay ibinibigay nito.

Pero laking gulat ni Emy nang unti-unti’y nagbabago ang tinaguriang Crystal Voice of Asia. Hindi na raw kasi nito sinasagot ang tawag o text ni Emy pero kapag may kailangan daw nhaman si Sheryn doon ito nagpaparamdam. Hanggang sa nalaman ni Emy ang dahilan ng pagbabago ni Sheryn, umano’y may bago na uli itong karelasyon. Karelasyon daw ni Sheryn ang isang babae rin na kamag-anak naman daw ng asawa ng singer.

Napag-alaman pa ni Emy na taong 2007 pa may relasyon si Sheryn sa pinsan ng asawa niya at sa isa sa bahay niyon nakatira ang pamilya ni Sheryn.

Ayon daw kay Emy, umabot na sa P80,000 ang mga load pa lamang na hinihingi sa kanya ni Sheryn na nangako raw itong ibabalik o babayaran gayundin ang mga bagay na naibigay sa kanya.

Subalit alumpihit si Emy kung paano maibabalik ang halagang iyon ni Sheryn sa kanya dahil narito ngayon sa ‘Pinas si Sheryn at ang mga bagay na sinasabing ibinigay niya ay nasa States. Kaya ang tanong ni Emy, “Kailan niya maibabalik?”

Sinabi ni Emy, na nagsasalita siya ngayon dahil ayaw niyang may iba pang maloko si Sheryn dahil magaling daw itong magsalita.

Totoo kaya ang mga ibinibintang na ito ni Emy kay Sheryn?

Bukas ang aming pahina sa anumang pahayag ni Sheryn.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …