Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Beams above the bed bakit bad feng shui?

ANG tanging nararapat sa itaas ng inyong kama habang kayo ay natutulog ay ang soft canopy. Huwag magsasabit ng ano mang mabigat, halimbawa ay wind chimes o bells sa ibabaw ng inyong ulo, dahil ito ay bad feng shui.

Ang ano mang bagay na mas mabigat kaysa piraso ng tela sa itaas ng kama ay lilikha ng oppressive/heavy energy, na kalaunan ay maka-aapekto sa pang-araw-araw n’yong pamumuhay.

Ang “any item above the bed” ay ang beam, ceiling fan, o chandelier sa itaas ng kama.

Gayunman, minsan ay may mga naglalagay ng wind chimes sa itaas ng kama sa pagnanais na makalikha ng good feng shui. Huwag itong gagawin, maliban na lamang kung talagang nais n’yong magkaroon ng bad feng shui sa inyong bedroom.

Kung may heavy beam sa itaas ng kama, ito ay bad feng shui. Ang best feng shui solution dito ay ilayo ang kama sa beam. Kung hindi maaaring ilipat ng lugar ang kama, gumamit ng canopy bed o lumikha ng canopy para maprotektahan ang inyong kalusugan at relas-yon mula sa heavy energies.

Kung nais mong mag-lagay ng chandelier, isabit ito nang malayo sa kama. Ganito rin sa ceiling fan kung nais mong magsabit nito.

Kung umuupa lamang, ang pinakamada-ling feng shui solution para sa ano mang heavy items sa itaas ng kama ay ang paglikha ng canopy. Pumili ng iba’t ibang magagandang tela para sa inyong décor scheme.

Mainam ang strong, ideally natural fabric para sa canopy, katulad ng li-nen, halimbawa. Ang soft, transparent fabric ay hindi uubra, feng shui-wise, dahil kailangan n’yo rito ng proteksyon.

Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …