Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

So kampeon sa Capablanca tourney

NALAMPASAN ni Pinoy super grandmaster Wesley So ang 10th at final round kahapon upang sungkitin ang titulo sa naganap na 49th Capablanca Memorial 2014 sa Havana, Cuba.

Hindi nagtagal sa upuan si 20-year old So (elo 2731) dahil isang mabilis na draw ang naging labanan nila ni GM Zoltan Almasi (elo 2693) ng Hungary.

Umabot lang sa 12 moves ng Nimzo-Indian defense ang bakbakan nina So at Almasi.

Nakaipon si So ng 6.5 points sa event na may six-player double round robin format.

“Masaya po ako sa pagkakapanalo ko kaya salamat sa mga sumuporta sa akin,” ani So na nag-aaral sa Webster University sa America.

Si So ay ginagabayan ng kanyang female coach na si GM Susan Polgar sa kanyang mga international tournaments.

“Malaking tulong sa akin si coach marami siyang naituro sa akin,” saad ni So.

Sinungkit ng dalawang Cuban GMs na sina Batista Lazro Bruzon (elo 2682) at top seed Leinier Perez Dominguez (elo 2768) ang second at third place matapos ilista ang 5.5 at 5 puntos ayon sa pagkakasunod.

Nagkasundo sa draw ang magkababayan sa final round matapos ang 33 sulungan ng Nimzo-Indian habang naghati rin sa isang puntos sina GMs Vassily Ivanchuk (elo 2753) ng Ukraine at Francisco Pons Vallejo (elo 2700) ng Spain sa kanilang 28 moves ng French.

Parehong tumapos ng 4.5 puntos sina Almasi at Vallejo subalit tinanghal ng fourth place ang una.

Kulelat naman si Ivanchuk na may 4 puntos.

Samantala, inaasahang aakyat sa world rangking si So kapag nilabas na ng FIDE ang elo ratings ng mga active chess players sa susunod na buwan.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …