KRITIKAL ang kalagayan ng isang negosynate sa Mary Johnston Hospital matapos holdapin at barilin ng apat na holdaper sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon.
Kinilala ang biktimang si Francis Lato y Lao, may asawa, ng 558 Lakandula St., Tondo at natangay ang kanyang dalang P200,000.
Sa inisyal na ulat sakay ng motorsiklong kulay itim na walang plaka ang dalawa sa mga suspek na mabilis nakatakas sa masikip na Ilaya St., tapat ng Sto. Niño church at ilang metro ang ang layo sa MPD Morga police station (PS2).
Sa ulat kay PS2 commander Supt. Jackson Tuliao ng dakong 1:20 p.m. naglalakad ang biktima sa lugar papuntang Metro Bank bitbit ang P200,000, nakalagay sa itim na backpack, nang akbayan ng isang lalaki, saka binaril nang dalawang beses.
Nang bumagsak sa kalsada ang biktima, dito kinuha ang itim na bag at mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo.
Agad isinugod sa ospital ng mga barangay tanod ng Barangay 1, Zone 3 ang biktima.
(leonard basilio)