ANG unang lugar na dapat pagtuunan ng pansin sa pagsisikap na bumaba ang timbang, ay ang kusina. Kailangan ang clutter free kitchen na may feng shui sense of freshness and lightness. Kaya linisin nang mabuti ang kusina at idispatsa ang mga pagkain na batid mong dapat iwasan kung nais mong bumaba ang iyong timbang.
Feng shui color-wise, maipapayo na pumili ng kalmadong kulay na magpapahupa sa gana sa pagkain, katulad ng blue, o green, ang itinuturing na very healing feng shui color. Ang fire feng shui element colors (red, orange, purple, bright yellow and magenta pink) ay mainam na iwasan.
Ang susunod na hakbang ay ang masusing inspeksyon sa bedroom – huwag pupunuin nang sorba ang closets at huwag maglalagay ng busy storage sa ilalim ng kama. Linisin ito at alisin ang lahat ng kalat sa buong bahay, upang maisulong ang malayang daloy ng chi, o feng shui energy. Ang mainam na sirkulasyon ng feng shui energy sa paligid ay direktang may kaugnayan sa good energy circulation sa inyong katawan para sa pag-aalis ng energy blockages.
Sa buong bahay, lalo na sa feng shui East area ng inyong bahay, mag-display ng mga imahe ng vibrant health and joy. Maaaring mag-display ng feng shui crystals, halimbawa ay clear green peridot o rose quartz. Alamin ang mga katangian ng crystals at maglagay ng marami nito sa kitchen at bedroom. Maglagay ng maliliit na feng shui crystals sa bulsa, o maglagay nito sa kotse, etc.
Kapag ganap nang naka-focus sa inyong best health, imbes na sa pagsisikap na bumaba ang timbang, ang feng shui for body cleansing guidelines ay madaling matatamo at mapananatili. Ang inyong katawan ay may sariling pang-unawa at batid kung ano ang kanyang kailangan. Ang tanging inyong dapat gawin ay magbuo ng best feng shui conditions upang makatulong sa katawan sa trabaho nito.
Lady Choi