Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ibaka ‘di lalaro sa West Finals

SASABAK ang Oklahoma City Thunder sa Western Conference Finals subalit hindi naman nila makakasama sa basketball court ang pambato nilang power forward na si Serge Ibaka.

Nagkaroon ngt  injury si Ibaka nang talunin nila ang Los Angeles Clippers, 104-98 sa Game 6 sa nagaganap na National Basketball Association (NBA) second round playoffs.

Left calf injury isang grade 2 sprain ang natamo ni Ibaka.

“The severity of the injury is not long-term,” sabi ni Thunder general manager Sam Presti. “But the the timing of the injury and how deep we are in the playoffs is unfortunate.”

May average na 15.1 points at 8.8 rebounds sa regular season si Ibaka at nanguna ito sa NBA total blocks (219) sa apat na sunod na season.

May 12.2 points ave., 7.3 rebounds at 2.2 blocks si Ibaka sa 13 postseason games.

Si Nick Collison ang napisil na papalit sa puwesto ni Ibaka na may average na  4.2 puntos  at 3.6 rebounds per game sa regular season.

Makakalaban ng OKC ang San Antonio Spurs sa WC Finals.

Malalasap ng Thunder ang pangalawang post season na nababawasan sila ng starter.

Noong nakaraang taon ay  na-side line si Russell Westbrook dahil sa kanyang injury sa tuhod.

Samantala, maglalaban naman sa East Finals ang defending champion Miami Heat at Indiana Pacers. (ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …