Monday , November 25 2024

Batang kalye (Part 18)

NAPASOK NI SPO4 REYES ANG HIDEOUT NG SINDIKATO NG MGA NAMAMALIMOS NA MGA BATANG KALYE

Nang hapong ‘yun ay sinundan ng sinasakyan namin nina Kuya Mar, Joel, SPO3 Sanchez at SPO4 Reyes ang van ng sindikato na nagtipon sa mga batang kalye na pinamamalimos sa iba’t ibang lugar ng lungsod. Pumasok ang van sa isang lumang bahay na bato na mistulang pagkalaki-laking bodega.

“’Yan po ang sinasabi kong bahay na bato kung saan nakatira ang mga batang pulubi ng sindikato,” pagtuturo ni Joel sa hideout umano ng sindikato.

May naisip na istratehiya si SPO4 Reyes para makapasok ito sa loob ng compound ng bahay na bato.

“Magpapanggap akong delivery boy ng pizza,” pag-aanunsiyo ni SPO4 Reyes sa naisip nitong ideya.

Ganoon nga ang ginawa ng tauhan ng pulisya na may hawak sa kaso ng nawawalang anak nina Ate Susan at Kuya Mar.

Nakapasok si SPO4 Reyes sa gate ng bahay na bato. Binuntutan ko si Kuya Mar nang sumilip siya sa loob ng bakuran.

“Delicious hot and spicy pizza delivery, Sir…” ngiti ni SPO4 Reyes sa nakasalubong na tauhan ng sindikato na de-baril.

Isa pang grupo ng mga tauhan ng sindikato na pawang armado ng baril ang nakasalubong ni SPO4 Reyes.

“Delicious hot and spicy pizza delivery, Sir…” ngiti uli ni SPO4 Reyes sa mga tauhan ng sindikato.

“Kanino mo ide-deliver ‘yang pizza?” tanong ng isa sa grupo ng mga de-baril na kalalakihan.

“E… Edgar po ang pangalan ng umorder, e,” ang sagot ni SPO4 Reyes.

“Edgar? May Edgar ba tayong kasama dito?” tanong ng kausap ni SPO4 Reyes sa mga kasamahan nito. .

“Wala akong kilalang Edgar,” ang tugon.

“B-baka Egay po… o kaya ay Ed…

Umiling-iling kay SPO4 Reyes ang mga tauhan ng sindikato.

“M-mali yata ang address na napuntahan ko… Sorry, mga bossing,” sabi ni SPO4 Reyes sa pagkakamot ng ulo.

Mabilis na lumabas ng compound ng bahay na bato si SPO4 Reyes bitbit ang kahon ng pizza.

(Itutuloy)

ni Rey ATalia

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *