Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Napo-list’ ni Lacson walang saysay

WALANG saysay ang “Napo-list” na ipinagyabang ni dating Sen. Panfilo “Ping” Lacson na kanyang hawak at nagtataglay umano ng mga pangalan ng mga opisyal ng gobyerno, mambabatas at iba pang nakinabang at nagkapera sa pakikipagsabwatan sa damuhong si Janet Napoles para nakawan ang pondo ng pork barrel.

Ang naturang listahan na ibinigay raw kay Lacson ng asawa ni Napoles na si Jaime, isang ex-major ng Marines, ay ipinarating na ng dating senador sa Senado. Ang masaklap ay wala itong pirma ni Napoles. Sa madaling salita ay puro lang ito kuwento na wala namang kuwenta.

Ayon kay Presidential spokesperson Edwin Lacierda, “In law, an unsigned affidavit is a mere scrap of paper.” Naroon man daw ang listahan ay wala naman itong pinatutunayan. Ang mga pagbibintang ay hindi raw maituturing na katibayan. Madali raw magturo at mag-akusa, ayon kay Lacierda, pero mahirap sagutin ang paratang kung hindi pirmado ang testimonya.

Naunang nagpahayag si Lacson na hindi niya ibubunyag ang mga pangalan sa listahan kahit imbitahan siya sa pagdinig dahil baka mabuwag ang Senado kapag nalantad ito. Sasabihin lang daw ni Lacson ang nilalaman ng kanyang Napo-list sa isang “executive session” sa Senado.

Ang tanong ng marami ay kung bakit biglang inilantad ni Lacson ang nilalaman ng hawak niyang Napo-list? Bakit daw pabagu-bago ang kanyang desisyon? Ang hinala tuloy ng iba ay baka may iba umanong nag-uutos o nagpapagalaw kay Lacson.

Sa palagay ni Levito Baligod, abogado ng mga whistleblower, ang pakay raw ng Napo-list ay guluhin ang imbestigasyon sa pork scam. Ayon sa Napo-list ay hindi si Sen. Juan Ponce-Enrile o dating chief of staff nito na si Gigi Reyes ang nakakuha ng kickback kundi si Ruby Tuason. Pero ang sabi noon ni Tuason ay siya ang naghahatid kay Reyes ng kickback ni Enrile.

Hindi rin daw totoo ang nakalagay sa naturang Napo-list na si Napoles ay tinuruan lamang ni Budget Sec. Butch Abad kung paano kumita ng pera ang mga foundation.

Nakikipagtransaksyon na raw si Napoles noon pang 1990s. At kaya raw patunayan nina Baligod, mga mare at pare ko, na noong 2012 lamang nang magtangka si Napoles na lapitan si Abad.

Manmanan!

***

LUMABAS din ang katotohanan na kaya lumikha ng affidavit at talaan ng kanyang mga kasabwat si Napoles ay nais ng damuhong mabigyan ng “immunity” sa pork scam.

Pero para kay Justice Sec. Leila de Lima, ang prayoridad nila ngayon ay ang pagbusisi raw sa testimonya ni Napoles kaugnay ng pork scam kaysa tanggapin siyang state witness. Sa pagsusuri raw malalaman kung papasa ang kredibilidad ni Napoles at ng kanyang ibinunyag.

Nagkakagulo na ang sambayanan bunga ng mga Napo-list habang nakahilata lang sa ospital si Napoles. Ang sabi ng iba ay baka tatawa-tawa pa raw ito sa kaguluhang nagaganap.

Kumulo ang dugo ng mga mahigpit na tumututok sa isyu ng pork scam nang maulat na gustong maging state witness ni Napoles. Tiyak na magwawala ang mga ito, mga mare at pare ko, kapag pinagbigyan ang hiling at nawalan siya ng pananagutan sa kanyang mga kagaguhan.

Tandaan!

Ruther Batuigas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …