TINATAYANG nasa P463,000 cash na benta ng mga libro ang natangay ng dalawang holdaper nang holdapin ang bookstore ng Espiritu Santo Parochial School, Huwebes ng hapon
Sa report kay Inspector Alexander Bou Rodrigo, hepe ng MPD Crimes Against Property Investigation Section-Criminal Investigation and Detection Unit (CAPIS-CIDU), naganap ang panloloob kamakalawa, dakong 3:00 p.m. sa kanto ng Tayuman at Rizal Avenue, Sta. Cruz.
Sa salaysay nina SPOs1 Edgar Julian at Arlan Alba, dumaan ang mga salarin sa Oroquieta Gate ng parochial school na ang paalam sa guwardiya kukuha lamang ng mga pangalan ng author ng mga libro.
Pagdating sa loob, agad umanong nagdeklara ng holdap ang dalawang suspek na armado ng baril saka pinadapa ang mga kawani at iba pang tao na nasa loob ng bookstore.
Agad dumiretso ang mga suspek sa cashier’s booth at kinulimbat ang P463,000 benta ng bookstore saka lumabas na parang walang nangyari tangay ang isang cellphone. (l. basilio)