Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Greek national sugatan sa saksak

SUGATAN ang isang Greek national nang saksakin ng isa sa limang suspek habang pauwi sa tinutuluyang hotel sa Ermita, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Supt. Romeo Juan Macapaz, ng MPD Station 5, ang biktimang si Georgeous Manousaikis, 41, nanunuluyan sa Manila Executive Regency Tower sa J. Bocobo St., Ermita, habang tinutunton ng pulisya ang mga suspek.

Sa salaysay ng biktima, dakong 4:30 a.m. naglalakad siya sa  kanto ng Ma. Orosa at P. Faura streets, nang lapitan ng grupo at kaagad siyang pinagsaksak ng isa sa mga suspek saka nagsitakas.

Kahit may mga saksak sa likod, nakahingi ang biktima ng saklolo sa guwardiya ng tinutuluyang hotel, si  Alfredo Magundayad, 55, na nagdala sa kanya sa ospital.

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …